NH Chapter: 36

92.1K 1.5K 118
                                    

Matapos ang seremonyas ay dumiretso ang mag-asawang Matt at Brae patungo sa kabilang bahagi ng garden kung saan gaganapin ang reception.

"Are you happy, Love?" Malambing na usal ni Matt habang naglalakad patungo sa reception.

"Sobra Love, h-hindi pa rin ako makapaniwala na kasal na tayo. Nananaginip ba ako?" Nagniningning ang mga matang saad ni Brae habang magkahawak kamay sila ng binata.

Mababatid mo sa itsura nito ngayon ang walang humpay na kasiyahan dahil sa wakas ay kasal na sila ng pinakamamahal niyang si Matt. Hindi pa rin ito makapaniwala na masosorpresa siya nang ganoon ni Matt.

"You're not dreaming, Love... We're really married." Nakangiting sambit naman ni Matt dito saka hinaplos ang mukha ng kanyang asawa.

"I love you Matt, hindi mo alam kung paano mo ako napasaya ngayon dahil pinakasalan mo ako sa hindi ko inaasahang pagkakataon." Madamdaming turan ni Brae saka hinawakan ang kamay nito na humahaplos sa kanyang kaliwang pisngi.

"I love you more Brae, and I'm one of the most luckiest man in the world because I finally got married to the woman that I love." Usal pa ni Matt saka ginawaran ng isang halik sa labi si Brae, dahilan para parehas na mapapikit ang mga mata ng mag-asawa.

Nasa ganoong posisyon ang dalawa nang biglang may tumikhim sa bukanang bahagi ng reception, "Ehem... Ehem.."

Nang marinig nila iyon ay agad napahiwalay si Brae sa kanilang mga halik para balingan ang taong ito. Nakita niya ang isang babae na nakatayo sa bukana ng reception na may dalang folder. Nakangiti lang ito sa kanya na parang kilalang-kilala siya ng dalaga. Hindi ito kilala ni Brae kaya ngumiti na lang din siya rito ng alanganin.

"Vanessa, is there a problem?" Biglang turan ni Matt dito.

Nangunot naman ang noo ni Brae nang marinig ang pangalan na iyon, "So, ibig sabihin ito 'yung Vanessa na kausap ni Matt sa telepono kagabi?" Naguguluhang sambit nito sa kanyang sarili.

"Nothing that I can't handle sir Matt, sinundo ko lang po kayo para sabihing mag-i-start na po ang ating program."

"Okay susunod na kami ng asawa ko, thank you." Ani Matt sa dalaga.

"Alright, congratulations po Mr. & Mrs. Montenegro." Nakangiting wika ni Vanessa bago ito lumayo sa kinatatayuan ng mag-asawa.

Naiwan naman sina Matt at Brae na magkahawak kamay at patuloy pa rin sa pag-iisip si Brae tungkol sa dalagang si Vanessa.

Para namang nababasa ni Matt ang naibulalas ni Brae sa kanyang isip tungkol kay Vanessa, kaya nagsalita agad ito nang, "Yes Love, siya 'yung Vanessa na kausap ko kagabi sa cellphone at hindi ka po dapat magselos, dahil si Vanessa ang kinuha kong wedding coordinator natin." Nakangising usal ni Matt na animo'y nang-aasar kaya mabilis itong nakatanggap ng isang hampas sa dibdib mula sa dalaga.

"H-hindi Ah! Hindi naman ako nagseselos, ano bang sinasabi mo." Namumula ang mga pisnging sagot ni Brae saka umiwas ng tingin sa kanyang asawa.

Mabilis naman itong ikinulong ni Matt sa kanyang mga bisig sabay sabing, "Eh ano 'yung narinig ko kaninang umaga? What was that again?" Anito at pakunwaring tumingala habang inaalala ang sinabi ni Brae.

Naked Heart ✔️ (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now