NH Chapter: 27

72.6K 1.5K 53
                                    

BRAE's POV:


Simula nang makumpirma ko kay Matt na may namagitan nga sa kanila ni Venus, hindi ko alam kung ano'ng magiging reaksyon ko ng mga sandaling iyon. Galit ako kay Matt dahil niloko niya ako at mas lalong malaki ang galit ko kay Venus dahil wala itong puso.

Gustong-gusto ko silang saktan, pero itong lintik na sarili ko ay hindi marunong manlaban. Gusto kong ilabas lahat nang galit ko sa kanila, para maramdaman din nila ang sakit na ipinaramdam nila sa akin.

Ilang beses ko siyang tinanong kung ano'ng problema, ngunit mas pinili pa rin niya na hindi pagkatiwalaan ang tibay at lalim ng pagmamahal ko para sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang kay Matt at nagawa pa niya akong saktan at lokohin.

Akala ko ay masaya siya sa piling ko, sa piling ng magiging anak namin pero hindi pala sapat ang lahat nang 'yon, hindi pala ako sapat para sa kanya. Sa sobrang sama ng aking loob, ay ipinikit ko na lang ang aking mga mata at sinariwa ang oras na gumimbal sa masaya't tahimik kong mundo.


Flashback


Nang masabi sa akin ni Charity ang tungkol kay Matt at Venus, ay agad akong kinabahan ngunit hindi ko ito ipinahalata sa aking kaibigan.

"Sige Brae, alis na rin ako," Saad nito saka tumingin sa kanyang relos. "May pasok pa ako mamayang alas sais." Wika pa ni Charity sa akin bago tuluyang tumayo.

"Sige Cha, i-kumusta mo na lang ako kay Mamang." Alanganing sambit ko rito, dahil hindi pa rin mawala sa isip ko ang isipin tungkol kina Matt at Venus.

"Sigurado kang ayos ka lang?" Nag-aalalang wika ni Charity habang nakahawak sa aking kaliwang balika.

Tumango naman ako rito saka kami sabay na naglakad papunta sa pintuan. "So paano Maiden, mag-iingat ka palagi. Kayo nang magiging inaanak ko." Nakangiting usal nito saka ako niyakap.

Niyakap ko rin naman siya pabalik, "Salamat Cha, mag-iingat ka." Iyon lamang saka ito tuluyang lumabas ng pinto.

Hinatid ko na lang si Charity, gamit ang aking paningin hanggang sa tuluyan na itong nakapasok sa elevator. Huminga muna ako nang malalim saka tuluyang pumasok na rin sa loob.

Nang maisara ko ang pinto, hindi matahi-tahimik ang konsensya ko dahil sa sinabi ng aking kaibigan. Kaya naman dala ng aking kuryusidad, mabilis kong tinungo ang kwarto ni Matt para maghanap nang kahit anong ebidensya na makakapag-patunay na may inililihim ito sa akin.

Halos inabot na ako nang kalahating oras, ngunit nabigo ako dahil wala akong makita ni isa o ni katiting na niloloko ako nito.

"Haaayyy... Ano bang ginagawa mo, Brae? Bakit hindi mo na lang tanungin nang diretso si Matt para masagot agad ang katanungan mo?" Inis na turan ko sa aking sarili saka lumabas ng kwarto ni Matt.

Nang akmang pupunta na ako sa kusina para uminom ng tubig, ay biglang nakarinig ako nang pagkatok sa pintuan. Sa una ay hindi ko ito binigyang pansin, ngunit ilang segundo lang ang lumipas ay may narinig akong kaluskos kaya mabilis kong binalingan ito.

Nakita ko na may nakasilid na puting sobre sa ilalim nito, kaya mabilis kong tinungo ang pintuan para maabutan kung sino ang taong nagsiksik noon, doon. Pagbukas ko nang pinto ay wala akong naabutan na kahit anong bakas, kaya naman pinulot ko na lang ang sobre saka tuluyang pumasok muli sa loob.

Dumiretso ako sa aking silid habang abala sa pagsipat ng putting sobre. Napansin ko na lang ang aking palayaw sa club na "Maiden" na siyang nakasulat sa likod nito.

Kunot noo kong binuksan ito at tumambad sa akin ang malalaswang hubad na larawan na hindi ko kayang tingnan. Mabilis ko itong naihagis sa sahig, dahil sa pagkakabigla at ganoon na lang nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang mukha ni Matt sa iilang larawan. Nanginginig ang mga tuhod na lumuhod ako sa sahig at isa-isang kinuha ang mga litrato ng aking kasintahan.

Napatuptop ako ng aking bibig gamit ang kaliwa kong kamay dahil sa aking mga nakita. Halos gumuho ang mundo ko nang makita ko sina Matt at Venus na hubo't hubad sa kama habang nagtatalik. Isa-isa ko pang tiningnan ang mga larawan habang ang aking paningin ay nanlalabo na dahil sa mga luhang tumatabing sa aking mga mata.

Kitang-kita ko kung gaano kasaya si Venus sa mga litrato kapiling si Matt. Ngunit may isang parte sa aking kalooban ang pilit umiintindi, dahil iniisip nito na baka matagal nang nangyari ang kaganapan na iyon sa pagitan nina Matt at Venus.

Ngunit nakuyumos ko ang iilan sa mga litrato dahil nakita ko ang kobre-kamang aking hinihigaan at hindi ako pwedeng magkakamali, dahil ang bulaklakin na sapin na iyon ay ang sapin na sabay naming binili ni Matt sa Mall.

"Argh!" Puno nang galit kong sigaw saka ko inihagis ang mga larawan sa sahig. "Maaattttt!" Galit na hagulgol kong anas sa pagitan ng aking mga hikbi. Ilang oras din akong umiyak bago ko napagdesisyonan na ligpitin ang mga litrato. Gusto ko na sa bibig mismo ni Matt manggaling ang katotohanan. Kahit masakit ay tatanggapin ko.


End of Flashback


Napabalik na lang ako sa aking katinuan nang makarinig ako nang pagkatok sa pinto. Alam kong si Matt iyon pero hindi pa ako handang harapin siya. Gusto kong mapag-isa at mas lalong gusto kong makapag-isip, makapag-isip kung dapat pa ba naming ipagpatuloy ang aming relasyon ni Matt gayong nalamatan na ito.

"Brae... Naghanda ako ng dinner. Kain ka na please, makakasama sa inyo ni Baby kung hindi ka kakain kahit konti." Rinig kong usal ni Matt sa likod ng pintuan.

Bigla naman akong napahawak sa aking tiyan, naalala ko bigla ang munting anghel sa aking sinapupunan. Dito ako ngayon nahiga sa sofa malapit sa bintana, sa totoo lang ay gusto ko nang sunugin ang kamang nasa harapan ko ngayon.

Ayoko nang makita ang kamang 'yan, dahil sa tuwing makikita ko ito ay mas lalo lang nitong ipinapamukha't ipinapaalala sa akin ang ginawang panloloko sa akin ni Matt.

"Anong gagawin ko, Anak?" Humihikbi kong sambit sa aking munting anghel. Sa sobrang sama na rin siguro ng aking loob, ay hindi ko na namalayan na namamaluktot na pala akong nakatulog sa makipot na sofa malapit sa binata.


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Naked Heart ✔️ (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon