NH Chapter: 12

101K 2.4K 63
                                    

Maagang nagpunta sina Brae at Charity sa club. Sila kasi ang nakatokang magbukas ng nasabing establisyamento dahil sa ibilin sa kanila ito ni Mamang Dyosa. Nang matapos sa kanilang mga gawain, ay agad tumungo ang dalawang dalaga sa dressing room upang mag-ayos ng kanilang mga sarili.

Nasa kalagitnaan ng pag-aayos ang mga dalagang si Brae, nang biglang tumunog ang kanyang bagong telepono. Kunot noo niya itong kinuha sa bag at napangiti sa kanyang nakita. Mabilis niyang sinagot ang tawag nang makitang rumehistro ang pangalan ng kanyang Nanay Dolores.

"Hello, Nay, kamusta na po kayo?" Masigla niyang bungad dito.

"Brae, anak— ikaw na ba 'yan?"

Bahagya namang naluha ang mga mata ni Brae, nang marinig ang boses ng kanyang Ina sa kabilang linya.

"Brae, Anak... Hello."

"Opo Nay, ako nga po ito, mabuti naman po at natanggap niyo ang mensahe ko sa inyo."

"Ay oo anak, mahirap nga lang ang signal dito. Mabuti na lang at nakaisip itong si Biboy na papuntahin ako sa ating likod-bahay, para raw magka-signal."

"Oo nga po Nay, kanina ko pa nga po hinihintay ang tawag niyo. Kamusta na po kayo riyan? Si Tatay, ang mga bata?" Sabik niyang tanong, upang alamin ang kalagayan ng mga ito.

"Ang Tatay mo, ganoon pa rin anak. Hirap pa rin sa paghinga, abot-abot na nga ang pagdarasal ko sa panginoon para lang kahit papaano'y gumaan-gaan ang kanyang nararamdaman."

Rinig ni Brae na bahagyang lumungkot ang boses ng kanyang Ina, dahil sa kalagayan ng kanyang Tatay Renato.

"H'wag po kayong mag-alala, Nay... Mabibilan na po natin si Tatay ng Nebulizer, makakahinga na po siya ng maluwag kapag may ganoong aparato na po siyang gagamitin."

"Talaga anak?" Batid ni Brae na sumaya ang kanyang Ina dahil sa timbre ng boses nito na tila'y sabik sa kanyang ibinalita. "Maraming Salamat, hindi ko na alam kung anong gagawin ko kung wala ka." Madamdaming saad pa ni Aling Dolores sa kabilang linya.

"Wala po iyon Nay, gagawin ko po lahat sa abot ng aking makakaya, para po sa inyo ni Tatay at mga kapatid ko."

"Nawa'y patnubayan ka ng Diyos, Anak."

Marami pang napagkwentuhan ang mag-ina, pati na ang kanyang mga kapatid na sabik na sabik makausap ang kanilang Ate Brae. Mas lalo tuloy namiss ng dalaga ang kanyang pamilya, dahil sa tinig ng mga ito na kanya talagang hinahanap-hanap.

"Oh sige na Liezel, bigay mo na kay Nanay ang telepono."

"Sige po Ate Brae, mag-iingat ka po riyan." Malambing na saad nito saka narinig ni Brae na tinawag ng bata ang kanilang Ina.

(Nay... Tawag po kayo ni Ate.)

(Akin na, Anak.)

Mga komosyon na narinig ni Brae sa kabilang linya.

"Hello, Anak." Saad ni Aling Dolores nang muling mahawakan ang telepono.

Naked Heart ✔️ (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now