NH Chapter: 23

76.9K 1.5K 48
                                    

Nagising ang diwa ni Matt nang makarinig ito ng tunog ng telepono. Mumukat-mukat niyang iminulat ang kanyang mga mata para tingnan kung saan nanggagaling ang tunog na iyon. Ganoon na lang nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang dalagang si Venus sa kanyang harapan, na abalang-abala sa pagkuha sa kanya ng litrato.

"What are you doing—" Hindi na natapos ni Matt ang kanyang sasabihin nang mapadaing ito sa sobrang sakit ng kanyang ulo. Mabilis itong bumangon sa kama at napahawak sa kanyang buhok saka ito sinabunutan paitaas.

"Good morning, sweetie," Masiglang bati ni Venus. "O, inumin mo itong gamot para mawala 'yang sakit ng ulo mo." Anito habang pilit iniaabot ang isang basong tubig at tabletang gamot.

"Ilayo mo sa akin 'yan!" Mabilis namang tinabig ni Matt ang baso saka tinapunan nang matalim na tingin ang dalaga. "What did you do to me, bakit ako nakahubad?!" Singhal ng binata, na kahit wala siyang matandaan sa nangyari kagabi ay inaakusahan na niya ito dahil kilala niya ang pagkatao ni Venus.

Sarkastikong ngumiti lamang si Venus dito sabay sabing, "Bakit sweetie, nasarapan ka ba sa ginawa ko kagabi at gusto mo pang ikwento ko sa'yo ang bawat detalye nito?" Mapang-asar na anas nito habang nakaarko pataas ang kanang kilay.

Nagdilim ang paningin ni Matt nang marinig ang mga sinabi ni Venus. Sa sobrang galit niya rito ay mabilis niyang hinablot sa braso ang dalaga, saka mariin na pinisil ang mga pisngi nito gamit ang kanyang kanang kamay lamang.

"I am not joking around here, Venus. So, you better start telling the truth, or else I will fūcking kill you!" Galit na usal ng binata, at mas diniinan pa ang pagkakapisil sa pisngi nito, habang ang kaliwang kamay nama'y nakahawak sa batok ng dalaga.

"Hahaha!" Hindi man klaro ang pagkaka-halakhak nito ay mababatid mo na nangbubuska pa rin ang datingan ng dalaga. "Sige Matt, mas diinan mo pa— Gustong-gusto ko pa naman na pinapahirapan ako pagdating sa kama." Nakakalokong anas ni Venus habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Matt, na parang naghahamon pa na saktan siya nito.

Kung bugso lamang ng damdamin ni Matt ang kanyang susundin ay gustong-gusto na niyang saktan si Venus, ngunit mabilis niyang pinigilan ang kanyang sarili dahil babae pa rin ito. Kaya naman bago pa siya makagawa ng karumal-dumal na pagkakasala, ay minabuti na lang niyang bitawan ito saka pabalang na ibinagsak sa kama.

"Get out of my house, bago pa kita mapatay!" Pigil na bulyaw niya rito saka tumayo sa kama para pulutin ang mga damit ni Venus na nagkalat sa sahig. Inihagis niya ang mga damit ng dalaga sa katawan nito saka binitawan ang mga katagang, "Magbihis ka! I don't want to see your fūcking face! Ever!" Singhal pa niya rito bago tinalikuran ang dalaga upang dumiretso sa banyo.

Ngunit bago pa man tuluyang mabuksan ni Matt ang pintuan ay biglang narinig niyang nagsalita si Venus, "Sweetie, sinisigurado ko sa'yo na ikaw mismo ang lalapit sa akin para magmaka-awa na pansinin ka!" Pagbabanta ng dalaga dahilan para lingunin itong muli ng binata.

Kunot noong binalingan lang ito ni Matt, na parang nagtatanong ang mga mata kung anong ibig sabihin ng mga sinabi nito. Ngunit sa halip na sumagot ay tumaas lang ang gilid ng labi ni Venus na parang nasusuklam, saka inismiran ang binata bago tuluyang naglakad papunta sa pintuan.

Bago pa man tuluyang makalabas ng kwarto, ay muling nilingon ni Venus ang binata saka binitawan ang mga katagang, "Babalik ka rin sa akin, Matt. Tandaan mo 'yan!" Pagbabanta nito saka pabalang na isinarado ang pintuan ng guest room.

Naked Heart ✔️ (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now