NH Chapter: 26

73.7K 1.6K 83
                                    

Continuation:


Nang makarating sila sa isang pribadong kwarto sa hotel, ay walang sabi-sabing sinunggaban agad ng dalaga nang isang mapusok na halik si Matt sa labi saka pabalang na isinandal ito sa pader.

"Stop it, Venus!" Inis na turan ni Matt rito saka itinulak ang dalaga. "Nasaan ang mga pictures?"

"Tuso ka talaga Matt... Pero gusto ko 'yan, 'yung tutusukin mo ako sa sobrang sarap at sisiguraduhin ko na akin ang buong pagkatao mo ngayong gabing ito." Nakangising saad ni Venus saka kinuha ang kanyang bag sa sahig.

Walang ganang kinuha nito ang isang malaking envelope saka iniabot kay Matt. Nang akmang aabutin na ito ng binata, ay mabilis itong binawi ni Venus saka inihagis kung saan.

"Sweetie, hindi ako ipinanganak kahapon," Sarkastiko nitong usal habang nakataas ang gilid ng kanyang labi. "Gawin mo muna lahat nang ipag-uutos ko at makakaasa ka sa pananahimik ko."

Nagbabaga ang mga matang tiningnan lang ito ni Matt bago sinakal dahil sa galit na naipon, dahil sa kabaliwan ni Venus, "Dāmn you! Demonyo kang hayop ka." Nagpupuyos sa galit na bulyaw ng binata.

Ngunit parang hindi man lang iniinda ni Venus ang pagkakasakal ni Matt. Sa halip ay nakangisi pa ito nang nakakaloko, kaya't mabilis itong binitawan ng saka nanggigigil na napahilot na lang sa kanyang sentido.

"Hindi mo ako pwedeng patayin Matt dahil sa sandaling hindi ako makalabas sa kwartong ito, ay may pupunta sa pinakamamahal mong si Maiden! Hmmm... Dala lang naman nito ang ibang ebidensya ko laban sa'yo!" Mapagbantang anas nito bago nagpakawala nang nakakakilabot na halakhak si Venus, na para nang isang baliw dahil sa kagustuhan at kabaliwan nito sa binata.

Hindi na naman nakasagot pa si Matt kaya dahan-dahang lumapit si Venus sa kinatatayuan nito at pabalang itong isinandal muli sa pader, "Sundin mo lang Matt ang gusto ko, papakawalan na kita pagtapos nito." Nang-aakit na anas ni Venus at doon na niya ginawaran nang mapusok na halik sa labi ang binata.

Wala nang nagawa pa si Matt, kaya nagpaubaya na lang siya sa kagustuhan ni Venus. Nangingilid ang mga luhang hinahalik-halikan lamang siya nito hanggang maramdaman niyang bumaba na ang mga halik nito papunta sa kanyang pagkalalaki.

"Brae... Mahal na mahal kita. Pagtapos nito ay magiging masaya na tayo kapiling nang magiging anak natin." Humihikbing wika ni Matt sa kanyang sarili.


End of Flashback


Napabalik na lang sa realidad si Matt, nang maramdaman niyang may humalik sa kanyang labi. Napakurap-kurap pa ang binata, at doon lang niya napansin ang presensya ni Venus, na ngayon ay luwang-luwa ang nagbubundukan nitong dibdib.

"Hi Sweetie," Maharot na usal nito saka umupo sa kaharap niyang upuan. "Hindi mo man lang ako in-order-an ng kape." Nakangusong saad nito habang ngumunguya nang chewing gum.

"I don't have time for this nonsense. Nasaan na ang mga pictures at akin na ang cellphone mo!" Nagpupuyos sa galit na usal ni Matt saka hinawakan ng mahigpit ang braso ng dalaga.

"Chillax sweetie, chill..." Nangbubuskang wika lang ni Venus, bago kinuha ang malaking sobre na nakasilid sa kanyang bag. "Ohh... Sayang, wala na akong souvenir." Pakunwaring nanghihinayang na turan nito ngunit nakangisi naman, na animo'y nakakaloko.

Naked Heart ✔️ (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now