Chapter 18

856 43 1
                                    


Chapter 18

Huminga ako ng malalim bago kumatok sa pinto ng bahay ni Lander. Nag-text siya sakin at binigay niya ang address ng magiging soon-to-be-bahay nila ni Regina kapag kinasal na sila.

Kaagad binuksan ni Lander ang pinto at pinapasok kami ni Derry. Panay pa ang sundot ni Derry sa kamay ko dahil kinakabahan daw siya at hindi mapakali.

"Welcome," Bati ni Lander samin.

"Thank you." I smiled.

Ang ganda ng lamesa. May chandelier at bulaklak. Kompleto na silang lahat at may bakanteng upuan pa sa tabi ni Thrilled. Halos manigas ako sa kinatatayuan ko ng makita ko siya.

Siya. Siya ang perfect example ng taong nagbago. Mas lalo siyang naging gwapo ngayon. I'm sure may asawa o fiancé na siya. He looks so matured. Ang Thrilled na nakasama ko noon, walang-wala na sa Thrilled ngayon.

Si Derry ang pinatabi ko kay Thrilled. Wala ng malisya sakin pero ayokong marinig niya ang tibok ng puso ko. Hindi na ako mapakali sa lugar na 'to. I wanna go home.

Nagsimula na kaming kumain at nabalot ng katahimikan ang lahat.

"Balita ko may sarili ka ng kompanya?" Tanong ni Keiji sakin.

"That's true. Ako ang secretary niya. I'm so proud of my boss." Si Derry ang sumagot sa tanong ni Keiji. Wala akong nagawa kung hindi ang ngumiti sa sinabi ni Derry.

"Are you married?" Dagdag na tanong niya.

"Muntik na." Sagot ko.

"What happened?"

"Let's just say, things are really complicated."

"Bakit mo hinayaan na maging komplikado?" Eksena ni Klyn na matalim na nakatingin sakin.

Ngumiti ako. "It's a secret, Klyn."

"I heard you were depressed?" Tanong ni Lander habang sinusubuan si Regina.

"Yes. Mabuti na lang at tinulungan ako ng mga pinsan ni Derry." Masinsinan kong sabi.

"Why did you left?"

Napatingin ako kay Thrilled na walang emosyong nakatingin sakin. Ginawa ko ang lahat para hindi maputol ang titigan namin. Kung ako ang nauna, paniguradong iisipin niya o nila na may nararamdaman pa ako para sa kanya.

"Hindi ko ginusto ang umalis. Kailangan ko lang." Hiniwa ko ang baboy at tahimik na kumain. "I'm sure napansin niyo na madalas akong nahihimatay mula ng paluin ako ni Klyn o kung sino man sa kanila ng baril sa ulo. Madalas din ang pagdudugo ng noo ko. With that, masyadong naapektuhan ang ulo ko. Muntik na akong magkaroon ng cancer dahil sa lakas ng impact ng pagkakapalo.." Tumigil ako at tiningnan ang mukha ni Klyn na nagulat sa sinabi ko. "Muntik na akong mabaliw. Thankfully, naagapan."

"I-i'm sorry, Rion."

"It's not your fault, Klyn. No'ng nalaman ko, i was so mad at you. Kaso, wala akong karapatan na manisi ng kahit sino. Naiintindihan ko naman kung bakit mo ginawa 'yon. Let's move on and forget the past."

"It's easy for you to say." Sabat ni Thrilled.

"I know." Ngumiti ako para mas lalo siyang maasar.

Natahimik si Thrilled kaya natahimik na rin ako. Bumalik na naman ang katahimikan na nakapalibot sa aming lahat. Ni hindi ko magawang tumingin sa kanila. I feel so guilty.

Matapos kumain, si Derry ang naghugas ng plato. Nagpupumilit si Regina na siya na lang pero mas lalong hindi papaawat si Derry. Wala ng nagawa si Regina kaya iniwan niya ng mag isa si Derry sa kusina.

Inabutan ako ni Lander ng wine. "Welcome back,"

Ngumiti ako at tinanggap ang wine. Madalas lang ako uminom, pero hindi ako nalalasing. Alam ko ang limitasyon sa sarili ko. Isang shot lang at tapos na. Takot ko lang na kung ano-ano ang masabi ko kapag malalasing ako.

Nagtipon-tipon kami sa sala. Katabi ko si Regina at nasa harapan ko naman si Thrilled.

"Wala ng zombies." Panimula ni Keiji. "Wala ng problema. Rion, iiwan mo na naman ba kami ulit?"

"Kailangan ko, Keiji. I'm staying there permanently. Nag-bakasyon lang ako dito." Malungkot kong tugon.

"Sobra na ang pangungulila namin sayo."

He started crying which made me shock. Pinatahan siya ni Lander na nasa tabi niya. Napayuko naman ako at sinusubukan na 'wag maluha.

"Araw-araw kong tinatanong sa sarili ko kung babalik ka pa ba. Kung nakalimutan mo na ba ako. Kung masaya ka na ba sa ibang bansa ng hindi ako kasama."

"Keiji--"

"Rion, tama na ang pagiging makasarili mo. Sobra na akong nasasaktan. Kami. Kung alam mo lang, ang daming nagbago mula ng mawala ka. Sinusubukan lang namin na itago ang lungkot kasi ayos ka lang naman sa ibang bansa, samantalang kami, walang ibang ginawa kung hindi ang isipin ka." Tiningnan niya ako at mahinang natawa. "Muntik ka pang ikasal. Ayos na sakin na sa iba, Rion. Naalala mo pa ba 'yung sinabi ko? Basta 'wag si Thrilled. Ilang taon ko din inisip 'yon. Naging makasarili din pala ako. Ako ang humaharang sa kaligayahan ninyo ni Thrilled."

Umiwas ako ng tingin at palihim na pinupunasan ang mga luha ko. Niyakap naman ako ni Regina at binulungan na ayos lang ang lahat.

"Akala mo ba kayo lang 'yung nasasaktan dito? 'Yung boss ko din, Keiji. Hindi lang kayo. Kung mas may nasasaktan dito, si Rion 'yon. Saksi ako sa araw-araw niyang pilit na bumabangon para sa sarili niya. Kung may makasarili man dito, kayo 'yon!" Sigaw ni Derry mula sa kusina.

Nilapitan niya ako at hinila palabas sa bahay ni Lander. Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko. I can't take the pain anymore.

"Boss, gusto niyo po bang bisitahin natin si Lauren? Malapit lang ang sementeryo dito." Ani ni Derry.

Niyakap ko si Derry. "Thank you so much. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ng dumating ka sa buhay ko. Thank you, Derry."

"It's my job, boss."

Siya na ang nag-presinta na mag drive. Saglit lang at tumigil na siya sa mismong tapat ng sementeryo. May binigay siyang flashflight sakin.

"Alam ko po kung saan 'yung lapida ni Lauren. Don't worry, boss." Paniniguro niya.

Sinundan ko lang si Derry at hindi pa ako nakakarating sa lapida ni Lauren pero nag-umpisa na akong umiyak. Binalik-balikan ko ang mga araw na nakasama ko siya.

Malaki na sana ang anak mo, Lauren.

Tumigil si Derry sa isang lapida at pinailawan ito. "Eto na po 'yon, boss. Dito lang po ako sa tabi niyo."

Lumuhod ako at hinawakan ang lapida niya. Lauren Venom Barb. Napakagandang pangalan ng isang anghel.

"Hello, kamusta ka na? Maayos lang ba ang lagay mo dyan? Lagi kang nasa isip ni Ate Rion. Sana masaya ka dyan. Sayang at hindi ko nakita ang magiging future baby mo. Lalong-lalo ka na." Pinunasan ko ang mga luha mula sa mata ko.

"Boss, someone's coming." Anunsyo ni Derry.

Hindi ko siya pinansin at nanatili paring nakatingin sa lapida ni Lauren.

"Si Lander, may Regina na. They're engaged. For sure, kapag nagkaanak sila na babae, ipapangalan nila 'yung Lauren. Gaya ng gusto mo." Napangiti ako. "Biyayaan mo naman ako na magkaroon ng love life, oh. Nagkaroon na ako ng tatlong boyfriends pero wala man lang nagtagal. Sa tingin mo, sino kaya ang magiging future husband ko?"

"Ako."

Zombies AttackWhere stories live. Discover now