Chapter 15

822 40 0
                                    

Chapter 15

Nagising ako at bumungad sakin si Thrilled at Keiji na nakaupo sa isang tabi. Pareho silang may binabasang magazine. Isang upuan ang layo nila sa isa't-isa.

"Nasa'n na tayo?" Tanong ko at sinusuri ang lugar. Nasa van na ako, pero nasa kuta na kaya kami ng mga sundalo?

"Naalala mo ba kung saan tayo huling huminto kahapon? Well, nandito pa rin tayo." Seryosong sagot ni Keiji. I think he's still mad.

Naalala ko na naman si Lauren. Unti-unting namumuo ang mga luha sa mata ko. Napakabait niyang bata. Naging totoo siya sa amin kahit sandali ko lang siyang nakasama. Hinding-hindi kita makakalimutan, Lauren.

"Natahi na ang sugat mo sa noo. Konting pahinga na lang at mas magiging maayos ka na." Dagdag ni Keiji sabay tayo at walang imik na lumabas ng van.

Umiwas ako ng tingin kay Thrilled at hinayaan ang sarili ko na lamunin ng katahimikan. Mas mabuti ng walang magsasalita sa amin. Para mas maagang maglaho ang nararamdaman ko para sa kanya.

Pero alam kong kahit anong gawin kong iwas, siya pa rin ang laman ng puso ko.

"Rion," Napalingon ako ng tawagin niya ang pangalan ko. "You okay, baby?"

Hindi ko magawang tingnan ang mga mata niya. Bakit ba palaging bumibilis ang tibok ng puso ko kapag tinatawag niya akong baby? It's nothing, Rion. Pinapaasa ka lang ng taong 'yan. Iiwan ka din nyan kapag gusto niya.

"Ayos na ako." Tipid kong sagot.

"Good. Now, sit down." Utos niya.

He thinks i'm a dog?

I rolled my eyes. "I am not a dog, Thrilled."

"Okay. Baby, please sit down. Susubuan kita."

Nagulat ako sa sinabi niya. Nang lingunin ko siya, may hawak siyang plato na may kanin, ulam, kutsara, at tinidor. Nakangiti niyang tinaas ang kutsara na may ulam.

Don't fall, Rion.

Kumalam ang sikmura ko kaya wala na akong nagawa. Umupo ako gaya ng sinabi niya. Lumapit siya sa tabi ko at ginulo-gulo ang buhok ko.

"That's my baby." Proud niyang sabi.

Those butterflies in my stomach. The way my heart beats so fast. I'm getting sweaty. My cheeks are so damn hot. I'm not normal anymore. Thrilled, what have you done?

Nang simulan niya na akong subuan, agad akong umiwas ng tingin sa kanya. Baka makita niya ang pamumula ng pisngi ko.

"My baby's so cute,"

"I'm not a baby."

"But you're my baby. My baby love."

Shet. Shet. Shet. Bakit ba ako kinikilig ng ganito? Sasabog na ang puso sa sobrang kilig.

Umiling-iling ako. "My baby love mo mukha mo. Subuan mo na nga lang ulit ako. Ilang oras ba akong natulog?"

"Isang araw kang tulog, baby." He answered.

Napatanga ako.

"You're joking, right?" Hindi ko siya makapaniwalang tiningnan.

"I'm not joking, baby. Regina's worried about you." Aniya.

Bakit ba tuwing nahihimatay ako, umaabot ng oras o araw bago ako magising? May saltik na ata 'yung utak ko at balak akong gutumin kapag gigising nako.

Matapos akong subuan ni Thrilled, sinamahan niya ako sa labas. Gusto kong kamustahin ang lagay nina Klyn. Paniguradong inip na inip na silang mahanap ang kuta ng mga sundalo.

Zombies AttackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon