Chapter 8

965 44 0
                                    

Chapter 8

Isang linggo na kaming halos nakikipagkarera kay kamatayan. Kapag pakiramdam namin hindi kami ligtas, aalis kami at lilipat na naman sa ibang lugar. We don't have a permanent place. Lahat ay nagbabago.

Isa na do'n ang pakikitungo ni Thrilled sakin. Kung noon, nakakausap ko siya ng matino, ngayon, hindi niya na ako matingnan sa mga mata. As far as i know, naging maganda ang pakikitungo ko sa kanya.

Kami ni Regina ang nag-aalaga kay Lauren kapag may morning sickness siya. Hindi na siya pinapayagan ni Lander na tumulong sa amin kapag may mga zombies na umaatake. What a protective brother he is.

Mas lalo pa namin silang nakilala. Mommy's boy si Lander, samantalang Daddy's girl naman si Lauren. Pareho silang spoiled kaya lahat ng gusto nila, nakukuha nila.

"Breakfast's ready!" Nakangiting nilagay ni Regina ang nilaga sa lamesa. Nakakatakam ang baboy.

Hindi na kami sabay-sabay kumain. Madalas, kami na lang ni Regina ang magkasabay. Ang tatlong lalake naman ang nagkakasundo. Salit-salitan kami ni Regina sa pagpapakain kay Lauren. We need to take care of care, especially the baby.

"Ate Regina at Ate Rion," Tawag ni Lauren samin.

"Gutom ka na ba? Wait lang. Tatapusin ko lang 'tong kinakain ko." Nagmamadali kong sabi.

Umiling siya. "I'm not hungry. I just wanna say thank you. For taking care of me and my baby. Alam kong pasanin ako, and i'm sorry. Kayo ang tunay na blessings sa buhay ko."

Nilapitan namin siya ni Regina at niyakap.

"Dahil wala akong kapatid, can you be my little sister?" Sabi ko sa kanya.

"Of course, Ate Rion. Hinihintay ko na sasabihin mo 'yan."

"Talaga?"

"Yes, Ate. Since the first day i went here. You're so kind and beautiful. Lalo na si Ate Regina."

"I know i'm beautiful, Lauren." Proud na sabi ni Regina at hinawi ang buhok niya.

I rolled my eyes at her. "Pwede ba, ha, Regina?"

"I am beautiful inside and out. Suportahan mo ako. I'm your bestfriend!" Reklamo niya at sinamaan ako ng tingin.

"Pa'no kung ayoko?" Tanong ko at binelatan siya.

"Babalatan kita ng buhay!"

"Kung kaya mo?"

"Lumapit ka sakin at gagawin ko talaga!"

Tatakbo na sana ako ng makita ko si Thrilled sa pintuan ng van. Malamig ang mga titig niya at agad siyang umiwas ng tingin ng makita ako. Nilagpasan niya lang ako at pumunta sa sala.

Okay, what was that?

Nang malapit na akong abutan ni Regina, tuluyan na akong tumakbo palabas. Muntik pa akong madapa dahil sa kakamadali.

Nakita ko si Keiji at Lander na seryosong nag-uusap.

"Itago niyo ako. Babalatan ako ni Regina ng buhay." Pagmamakaawa ko sa kanila at agad kong nag tago sa likod ni Lander.

"Dito ka sa likod ko, Rion. I'll protect you." Wika ni Keiji.

Sumunod ako sa kanya at hawak-hawak niya ang kamay ko habang nasa likuran niya.

"Rion, alam kong nandyan ka lang. Lumabas ka na. Babalatan pa kita ng buhay." May pagbabanta sa boses ni Regina.

"You're crazy, Regina." Pagtataray ni Lander.

"Excuse me? I'm not talking to you, Mr. Lander. Si Rion ang hanap ko. Feeling mo naman masyado. Makaalis na nga. Nakakabadtrip!" Inirapan niya si Lander at bumalik sa van.

Nakahinga ako ng maluwag at tiningnan si Keiji na nakangiti sa akin.

"Thank you, Keiji. Akala ko mawawalan nako ng--"

Bigla niya akong niyakap na ikinagulat ko. I wasn't expecting that. Mahal niya pa rin ba ako? Kailan niya ba ako makakalimutan? After hearing his confession, i'm trying my best to remain casual to him. Kagaya dati, kaibigan palang ang turing ko sa kanya.

Sinubukan ko ring layuan si Keiji gaya ng ginagawa ni Thrilled ngayon.

"May zombie," Sabi ni Lander.

Tumakbo ako pabalik ng van at hinanda ang baril ko. I'm now ready. Hindi na ako mahina gaya ng dati. Natutunan kong lumaban at hindi naman mahirap pumatay ng zombies. Kailangan lang ispin na patay na sila at hindi na tao.

Lumabas ako at nakita si Keiji at Lander na pabalik ng van. Hindi siguro nila nadala ang mga barol nila.

"Let me try that one." Sabi ko sa kanilang dalawa.

Tumango lang sila at agad kong binaril sa ulo ang zombie na papalapit na sa van.

"Boom!" I happily said. Head shot, i guess?

"Gumagaling ka na, Rion." Puri ni Lander sakin.

Pansin ko, panay na ang puri niya sakin? Maybe he noticed that i'm a bit scared of him?

Humikab ako at nakaramdam ng antok. Unti-unti ko naring tinatanggap ang kapalaran ko. Na hindi na pwedeng magaya pa sa dati. Magiging masaya naman ang pakikipagkarera kay kamatayan kung kasama ko sila.

Umupo ako sa tabi ni Lauren at pumikit.

"Hindi ka ba napapagod kakamaneho, Thrilled?" Rinig kong tanong ni Lauren kay Thrilled na kumakain pa rin.

"Bakit naman ako mapapagod?" Sagot ni Thrilled.

"Sabagay." Saad ni Lauren.

Hindi tinawag ni Lauren si Thrilled na Kuya. May something kaya sa kanilang dalawa? That'd be awesome. Kung sakali man, mukhang matatanggap ni Thrilled ang anak ni Lauren.

"Magpakalasing tayo!" Sigaw ni Regina.

Napamulat ako dahil sa sinabi ni Regina. May hawak-hawak siyang Red Horse at winagayway ito sa ere. Panay ang sigaw niya at sumasayaw na para bang may music.

"Reg, lasing ka na." Sabi ko sa kanya.

Tiningnan niya ako. "I'm not yet drunk, bestfriend. Konti palang 'yung nainom ko."

"Exactly, Reg. Hindi ka sanay uminom kaya kahit konti palang 'yang nalalagok mo, lasing ka na. Stop it." Seryoso kong kinuha ang mga bote at binalik sa ref. "Matulog ka na."

"I'm not yet drunk, Rion. Let me drink. One last shot and i will sleep. I promise!" Tinaas niya ang kanang kamay at hinalikan ako sa pisngi.

She is really drunk.

Nagpatulong ako kay Lander na buhatin si Regina sa kabilang sofa. Maingat na nilapag ni Lander si Regina. Tiningnan ko naman ang kawawa kong kaibigan na halatang problemado.

"Bakit ba kasi nangyare 'tong zombie apocalypse na 'to? Edi sana, kami pa ni Thrill. Bwisit na zombie apocalypse 'to! Bwisit ka sa buhay ko!" Paulit-ulit na sigaw ni Regina.

She keeps on blaming the zombies about what happened to her and Thrill. She suffered a lot. Naaawa ako sa lagay ng kaibigan ko. Minsan ko na siyang nakitang masaya sa piling ni Thrill. They were almost the perfect couple. Sadly, nangyare 'to.

Until she cried. Tumingin ako kay Lauren na umiiyak na rin.

"Reg, stop that." Sita ko sa kanya.

"Rion, my one and only bestfriend. Who love and care for me. Don't worry, i love you too. Thank you for everything, bestfriend. For being there when i'm depressed. I treasure you a lot, Rion." Sinubukan niyang tumayo para mayakap ako. "Don't leave me, okay? I'll be sad. Want me to kill myself again?"

"Of course not, Reg. Hinding-hindi kita iiwan."

"Good. Now, can i sleep? My head hurts as hell."

Natawa ako ng konti. "Matulog ka na."

Zombies AttackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon