Chapter 14

768 40 1
                                    



Chapter 14


Inagaw ko ang baril ni Thrilled at binaril ang mga zombies na muntik ng kainin si Lauren. I can't think straight. Iniisip ko ang kalagayan ni Lauren at ng baby niya. Mas importante ang buhay nila. Kahit ako na lang ang kainin ng mga zombies.

Nang maramdaman kong mauubos na ang bala, nilabas ko ang kutsilyo ko at sinasaksak ang mga zombies.

"Lauren, pumasok ka na sa van!" Sigaw ko kay Lauren na nakatalikod lang sakin. She's not moving. Shit.

Pinaubaya ko na kina Klyn ang natitirang zombies. Agad kong pinuntahan si Lauren. Napahawak ako sa bibig ko ng makita ang dugo sa sahig.

Pinaharap ko sakin si Lauren na hawak-hawak ang tiyan niyang walang tigil sa pag daloy ng dugo. Nakanganga siyang tumingin sakin at unti-unti ng pumatak ang mga luha niya.

"Ate, i-iwan niyo na a-ako." Nahihirapan niyang sabi.

"Stop being so stubborn, Lauren! Listen to me, mabubuhay ka pa!" Umiiyak kong sambit.

May lumabas na dugo mula sa bibig niya. Agad kong hinubad ang suot kong damit. May sando pa naman ako kaya ayos lang. Binalot ko ang damit ko sa tiyan niya.

Dumating si Lander na hingal na hingal. Nanlamig ang katawan niya ng makita ang kalagayan ni Lauren.

"Lauren, what the hell!" Singhal niya sa kapatid niya.

"I'm sorry, Kuya. Iwan niyo na ako dito. Mahal na mahal kita, Kuya. Please name your daughter, Lauren, okay? If ever." Nagawa niya pang tumawa kahit hirap na hirap na siya sa sitwasyon niya.

Binuhat siya ni Lander at sinubukan pang isalba ang buhay niya, pero huli na. Pinikit na ni Lauren ang mga mata niya.

Goodbye, Lauren.

Nandilim ang paningin ko at hinarap ang mga zombies na papunta sa direksyon namin. Hinanda ko ang kutsilyo ko at wala akong inaksayang minuto at sinaksak sila isa-isa.

"Papatayin ko kayo!" Maluha-luha kong sigaw.

Iniisip ko ang nakapikit na mata ni Lauren habang inaatake ang mga zombies. Sana ako na lang. Bakit ko ba siya pinabayaan? Ako dapat ang nasa pwesto niya. Kawawa ang anak niya. Nabuhay pa sana siya kung hindi dahil sakin.

Wala akong tigil sa pag-aatake kahit bugbog-sarado na ang katawan ko.

"Rion, stop it. Wala ng zombies. Kumalma ka." Ani ni Klyn mula sa likuran ko.

Hinarap ko siya. "I can't calm down. Dahil sa mga pesteng zombies na 'yan, namatay si Lauren at ang anak niya. You hear me? Patay na si Lauren at dahil 'yon sa mga walang kwentang zombies na 'to!"

Galit na galit ako sa sarili ko. Lumapit ako sa isang puno at sinuntok-suntok 'yon. Wala na akong maintindihan. Nasasaktan ako para kay Lauren.

"Rion, tama na 'yan!" Sita ni Regina sakin.

"Kasalanan ko, Reg. It's my fault." Hagulgol ko at niyakap siya.

"Wala kang kasalanan, okay? It was her choice. Nando'n kaming lahat. We saw what happened."

Kung pinigilan ko siya sa mas madaling panahon, buhay pa sana siya ngayon at ang anak niya. Mamamatay-tao ako. Masama akong tao.

"Ang sama ko. Ang sama-sama ko. Wala akong puso. Dapat ako ang nawala kanina at hindi si Lauren." Paninisi ko sa sarili ko.

"Rion Moose, bawiin mo 'yang sinabi mo!"

"Ako na lang sana 'yon, Regina. Sana magkasama na kami ni Mommy ngayon."

At last, nasabi ko rin ang intensyon ko kung bakit gusto ko ng mawala. Gusto kong makasama ulit si Mommy. I miss her so much.

Humiwalay si Regina sa pagkakayakap sakin at malungkot akong nginitian. "Kung 'yan ang gusto mo. Alam kong tinitiis mo ma lang kaming makasama. Sige. Go. Sumunod ka kay Lauren at sa Mommy mo, pero bago mo sana isipin 'yan, isipin mo rin kaming mga nagmamahal sayo."

Tinalikuran niya ako at bumalik sa van kasama si Lander. Naiwan akong humihikbi at hindi na alam ang gagawin.

Bakit ang komplikado ng mundo? Hindi ba pwedeng mamili ng isa ng hindi masasaktan 'yung isa?

Bumalik na ako sa van at nakitang tulog na si Regina. Huminga ako ng malalim at pumunta sa harap. Si Thrilled ang nakaupo sa driver's seat. Nasa tabi naman si Keiji na nakatingin lang sa kawalan.

"Gusto ko mag drive." Sabi ko kay Thrilled.

Tumayo siya at nilagpasan ako. Mapait akong ngumiti at pinunasan ang mga luha kong nagsisilabasan.

"Bakit andito ka pa? Akala ko ba gusto mo ng sumunod sa Mommy mo? Do it." Sabi ni Keiji na nakatingin pa rin sa kawalan.

Nasaktan ako sa sinabi niya. Yumuko ako at hindi siya pinansin.

"Answer me, Rion--"

"Tama na, pwede ba? Sabihin mo na lang kung gusto mo akong mawala. Magpapaiwan ako dito."

"Hindi ba't 'yan naman ang gusto mo? Ano pang hinihintay mo, Rion?"

Mapait akong ngumiti at lumabas sa van. Hindi pa umaandar ang sasakyan ni Klyn. Pinuntahan ko siya at nakitang wala siyang balak na paandarin ang sasakyan niya.

"Pwede bang dito muna ako?" Tanong ko sa kanya.

Mahina siyang tumango. "I'm alone. Pwedeng-pwede. Lumipat na sila Derry sa sasakyan ni Lolo at Lola."

Nanatili kaming tahimik. Wala ng gustong lumabas mula sa bibig ko. Nang maisip ko ang mga ngiti ni Lauren, nagsimula na naman akong umiyak na para bang walang bukas.

"Bakit ka umiiyak?"

"Naisip ko na nakakapagod din palang makipaghabulan kay kamatayan. Pagod na pagod na ako. Phsically and mentally." Sagot ko.

"Kahit sino naman satin, napapagod na. Malapit na tayo sa finish line, ngayon ka pa ba susuko?" Tinapik niya ang balikat ko. "You're being selfish, Rion. They love you. Tingin mo ba magiging madali sa kanila kapag nawala ka?" Pinaandar niya ang sasakyan niya at tumingin sakin. "Please, Rion, before you do something stupid, make sure it's helpful."

Hindi na ako sumagot at inisip na tama siya. Nagiging makasarili nga ako. Tinikom ko ang bibig ko at hindi na nagsalita pa.

Makalipas ang ilang minuto, tumigil sa isang tabi si Klyn.

"Dito muna tayo mag palipas ng gabi. Masyadong delikedo kapag pipilitin pa natin. Dito ka lang, pupuntahan ko lang sila." Aniya.

Tumango ako at bumuntong-hininga. Finally, matatapos na rin lahat ng paghihirap ko at nila. Pinapangako ko, kapag nakita na namin ang kuta ng sundalo, hinding-hindi na ako magpapakita sa kanila.

Hinawakan ko ang ulo kong sumasakit na naman. May dugong tumutulo mula sa noo ko. Sinusubukan kong isigaw ang pangalan ni Klyn pero hirap na hirap akong mag salita.

Binuksan ko ang pinto at nahulog ako. Dahilan para tuluyan ng lumabo ang paningin ko.

Zombies AttackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon