Chapter 3

1.2K 57 6
                                    


Chapter 3

Pagkatapos ng dalawang oras, nakipagpalit sakin si Thrilled. Panay ang reklamo niya na pagod na siya at hindi niya na kaya. I can't blame him though.

Gabi na at parang kanina lang ng magkaroon ng zombie apocalypse.

Napaisip ako. Hanggang kailan ako magmamaneho? Hanggang kailan kami magnanakaw ng pagkain? In short, kailan matatapos 'tong ganito? I'm tired of running away just to live.

"Ihinto mo ang sasakyan. Let's eat first." Rinig ko ang boses ni Keiji mula sa likuran ko.

Hininto ko ang sasakyan sa walang masyadong makakakita sa van. Madilim na kaya paniguradong delikado kami sa mga zombies.

Ang amoy ng bagong luto na lumpia ang mas nakapagpagutom sa tiyan ko. Isa lang ang laman ng utak ko: pagkain. Mabuti naman at nakaramdam si Regina. Isa pa sa gusto ko kay Regina, marunong siya mag luto. All in all, wife material siya.

Habang kumakain kami, hindi ko maiwasang hindi tumingin kay Keiji at Thrilled. Tahimik lang sila na kumakain at walang balak na mag salita.

Biglang nag-ring ang phone ko na ikinagulat ko. Bumungad sakin ang pangalan ni Mommy. Nakahinga ako ng maluwag. Thank God, she is safe.

"Hello, Mommy? How are you? Are you okay? Mommy, always remember to lock the doors. Delikado. Pupuntahan kita ngayon--" Nabigla ako ng marinig kong umiiyak si Mommy sa kabilang linya.

"Rion.. my beautiful and kind daughter.. hindi ako nagsisi na nilabas kita kahit sobrang aga kong nabuntis noon. Mahal na mahal kita, anak.. gawin mo ang lahat para mabuhay. That's Mommy's last wish before she will turn into a monster. Alagaan mo ang sarili mo. Do you understand?"

Napahawak ako sa bibig ko para mapigilan na humikbi.

"Yes, Mommy. I.. I promise. I love you, Mommy. I always do. I will do everything. I love you, Mommy." Paulit-ulit lang ang mga sinasabi ko. I don't know what to do and say. Masyadong masakit.

Wala ng sumagot sa kabilang linya. Tuluyan na akong napahikbi at nawalan ng pag-asa. My Mom is my hero. Kahit wala na si Daddy, Mommy made me feel that i'm complete.

Hinagod-hagod ni Regina ang likuran ko. "Hey, it's okay. Mahal ka ng Mommy mo. You know that."

Pagkatapos naming kumain, si Thrilled na ang nag presinta na siya na ulit ang magmamaneho. Nakokonsensya ako pero alam kong may mangyayare lang na hindi maganda kapag nagpumilit ako.

Naglatag na si Regina ng mahihigaan namin. Si Keiji naman ang naghuhugas ng plato. I feel so special. Nag-aalala sila sakin. Kahit hindi nila iparamdam, nararamdaman ko.

"You need to rest, Rion. Have a good night." Sabi ni Regina at nginitian ako.

Kinabukasan, maaga akong nagising. Ayokong maging palamunin sa kanila. Ako ang nag luto ng agahan at hinanda ko ang pagkakainan namin. Saka ko lang napansin na kami lang ni Regina ang nasa sala. Nasaan yung dalawa?

Pinuntahan ko si Thrilled at mahimbing ang tulog niya habang nakaupo. Gano'n din si Keiji. Halatang hirap na hirap sila sa pwesto nila.

Ginising ko silang dalawa. "Good morning. May breakfast na doon. Pwede na kayong kumain. Ako na ang magmamaneho."

Agad silang pumunta sa sala at naiwan akong mag isa.

Sinubukan kong paandarin ang sasakyan pero ayaw umandar.

"Wala ng gas?" Sabi ni Thrilled na may hawak pang tinapay. Napatingin siya sa daanan at mahinang napamura. "Holy shit!"

Napalingon din ako at nakita ang mga zombies na papunta sa kinaroroonan namin. Lahat sila ay mukhang gutom na gutom.

Sinubukan ko na ang lahat. Inapakan ko ang gas pero ayaw umandar ng sasakyan. Wala na ako sa tamang katinuan at hindi na alam ang gagawin.

"This is the end, i guess." Pagsuko ko.

"Not yet, Rion." Nabuhayan ako ng pag-asa dahil sa sinabi niya.

Ilang beses kong binuksan ang makina ng sasakyan, at sa wakas, umandar na. Akala ko katapusan ko na. Tiningnan ko si Thrilled at kinindatan niya ako.

Nakahinga ako ng maluwag.

"What happened?" Tanong ni Regina.

"I don't know, Reg. Biglang nabaliw 'yung sasakyan." Sagot ko.

"Tumigil ka sa isang botique. Wala tayong masusuot. Tsaka, hindi ka ba nababahuan sa sarili mo?" Natatawa niya akong tiningnan.

Umiling ako. "I still smell fresh,"

"You wish!" Aniya.

Gaya ng sinabi ni Regina, tumigil ako sa isang botique. Namangha ako sa ganda ng mga damit. Magkakaroon nga lang ng kaunting problema. Sobrang daming zombies ang nagkakalat sa harap ng botique.

"I'll distract them," Rinig kong sabi ni Keiji kay Regina.

Nagulat ako ng nawala lahat ng zombies sa isang iglap. Nagkaroon ng pagkakataon si Regina na makapasok sa loob. Sumunod naman sa kanya si Thrilled na pumunta sa Men's section.

Bumalik sa ala-ala ko ang sinabi ni Mommy kagabi. At the age of sixteen, nabuntis si Mommy. Mahal na mahal nila ni Daddy ang isa't-isa. Unfortunately, namatay si Daddy dahil sa sakit niya sa puso.

Hindi na ako nasundan dahil magiging delikado na ang susunod na pagbubuntis ni Mommy. Magiging kritikal ang lagay ng bata.

Saka lang ako bumalik sa realidad ng may naramdaman akong plastik sa hita ko. Nilingon ko si Thrilled na nakangisi lang.

"Maligo ka na daw. Ako naman ang magmamaneho." Sabi niya.

Binuksan ko ang plastik at namangha sa ganda ng damit. Halos manlumo ako sa presyo. This is just a simple t-shirt, but why so expensive? Baka dahil sa cloth?

I'm having a hard time removing my uniform. Umaalog-alog ang sasakyan at muntikan pa akong ma-slide dahil sa sobrang bilis ni Thrilled magmaneho.

Nang matanggal ko na ang uniform ko, nagtapis ako para sitahin si Thrilled.

All eyes on me ng makalabas ako sa comfort room. Si Keiji ay dali-daling nag iwas ng tingin. Si Regina naman ay tinaasan ako ng kilay.

Hindi ko sila pinansin at pinuntahan si Thrilled.

"Pwede ba? Dahan-dahan ka naman sa pagmamaneho mo. Nakakaloka ka. Alam mo bang muntik na akong maaksidente ng dahil sayo?" Singhal ko sa kanya.

Hindi siya lumilingon sakin kaya mas lalong uminit ang ulo ko.

"Are you listening to me? Ayan. Nag-english na ako. Baka naman hindi mo pa ako maintindihan?" Galit kong saad.

"S-sorry 'bout that," Nauutal niyang sabi.

Hindi pa rin siya tumitingin sakin. Wala namang mali sakin, ha? Saka ko lang naisip na nakatapis lang ako. Agad kong tinakpan ang katawan ko at namumulang bumalik sa comfort room. 

Zombies AttackWhere stories live. Discover now