Chapter 13

814 42 0
                                    


Chapter 13

Nakatitig lang ako sa kisame. Ilang oras ko ng sinusubukan na matulog, pero bumabalik sa ala-ala ko ang sinabi ni Thrilled. Totoo kaya? He will catch me? Pa'no 'yan, hulog na hulog na ako sa kanya?

This is so wrong.

"Ate, namumula ka." Bulong ni Lauren sa tabi ko.

"N-nilagyan kasi ako ni Regina ng b-blush-on kanina." Ngumiti ako na para bang wala lang.

Aalis na kami bukas sa bahay ni Klyn. We've decided. Sasama kami sa grupo ni Lolo at Lola. Ayon sa kanila, mas nagiging delikado na dahil mas lalong nagiging agresibo ang mga zombies. Since, wala silang mahanap na makakain.

Kinaumagahan, ginagawa ko ang lahat para maiwasan si Thrilled. Sakto namang kumakain na sila ng agahan. There's a vacant seat beside him. Ayokong umupo do'n.

Lumiko ako at pumunta sa pinto. Nagkakape si Lola at Lolo. Napangiti ako ng makita sila.

"Lolo at Lola, galit po ba kayo sakin?" Nakanguso kong tanong sa kanilang dalawa.

Umiling si Lola Ermi. "Kung hindi mo na mahal, 'wag mo ng pilitin. That was actually a good choice. Umayaw ka kasi ayaw mo siyang paasahin. You're intellegent, Rion."

Niyakap ko si Lola at tumabi sa kanya.

"Matatapos pa po kaya ang lahat ng 'to?"

"Panigurado, ija. Kailangan lang nating hanapin ang mga sundalo. Handa ka na ba?"

"Opo. Handang-handa na." Sagot ko at mahinang natawa.

Pumasok ulit ako sa loob. Kakatapos lang din nilang kumain. Si Regina ay niyaya akong tumabi sa kanya at mukhang may pag uusapan kami.

"Kaya bestfriend kita, eh!" Aniya.

Nagtaka ako sa sinabi niya. "Hindi mo ako pagagalitan?"

"Bakit naman kita pagagalitan? Ang astig nga ng ginawa mo." Bulong niya ng makita si Keiji na pababa mula sa hagdan.

"Pero nasaktan ko siya."

"It's normal, beshy. At least, inamin mo agad."

Natigilan ako ng umupo sa tabi ko si Keiji. Nakangiti siyang nakatingin sa akin at kay Regina. Hindi niya ba maalala ang ginawa ko sa kanya kahapon?

"Good morning, babe. Good morning, Reg." Bati niya sa aming dalawa.

Akala ko ba klaro na 'yung usapan namin?

"Maiwan ko muna kayo. Mukhang kailangan niyong mag usap." Palihim na inirapan ni Regina si Keiji at umalis sa pwesto niya.

Tahimik kaming dalawa ni Keiji habang kumakain. Wala akong masasabi at wala akong balak na kausapin siya. He's starting to piss me off.

"Keiji, malinaw na 'yung usapan natin." Mahigpit ang pagkakahawak ko sa kutsara't-tinidor.

"I know, babe. Ayokong mawalan ng pag-asa lalo na't wala naman palang nararamdaman si Thrilled para sayo. Aagawin ulit kita." Seryoso niyang sambit.

Nanlumo ako sa sinabi ni Keiji. Walang nararamdaman para sakin si Thrilled? Mahina akong natawa. Expected ko na dapat 'yon. Bakit sinabi niya pa sakin na kung mahuhulog ako, sasaluhin niya ako? Totoo kaya 'yon? Naiinis ako sa sarili ko. Nagpapakatanga na naman ako.

"I don't care. I really don't." Seryoso kong sabi.

Umalis na ako sa pwesto ko at bumalik ulit sa kinaroroonan ni Lolo at Lola.

Zombies AttackWhere stories live. Discover now