CHAPTER 4

921 71 2
                                    

"I don't get it, bakit mali 'to?! Aalma ako!"

"PEMDAS nga kasi," tugon ko.

"I know! Eh bakit nag-whole number siya kung mali?"

"Ibang whole number ang sagot. 12 hindi 21. Dapat nag-factoring ka kasi." May mga kaklase ka talagang 'di papatalo.

"Manahimik ka nalang, ibibigay ko na sa 'yo 'yong limited edition LV bag ko." 'Di parin nag-patinag si Rayben kay Jacky, tumayo 'to dala ang booklet.

"Ipaglalaban ko 'to."

"Sana all pinaglaban," ako na bored. "Gutom na ako, ano ba 'yan!"

"Ugh! Bala kayo dyan!"

'Di namin napigilan 'yong gaga na sumugod sa HQ ni Prof kaya nauna nalang kami sa cafe. Basta grade sensitive 'yon. At sensitive din ako pag gutom. Nangangagat ako ng gwapo.

"Invite daw tayo ni Kuya Marco maglunch. Nakauwi na sila eh," paalam ko kay Jacky. Ngumisi siya sa naisip.

"Pakisabi. Mas ma-appreciate ko 'yong libre kung siya ang tanghalian."

"Mukha mo. Bakla 'yon, baliw!" Ngumisi ito.

"It's fine kung 'di siya hotdog. Favorite ko din naman ang sausage." Halos matisod ako sa paingsasabi niya, napaka-wild!

"Namo."

Buti maaga kaming nakarating sa cafe kundi baka saan nanaman napunta ang usapan.

Ang dami nila sa table, seryoso. Umismid ako nang mapansin na kasama pala nila ang gang ni Kuya Marco. Kuya Marco is such a bad guy, monstrous more than I know, but he does it so well.

"Yow, Margarett!" Bati ng ilan sa gang na naging kaclose ko, pinalibutan nila kami ni Jacky, agad tumaas ang kilay ko. Napabaling ang tingin nila kay Jacky.

"Lumayas na kayo dito, lipat sa kabilang table," utos ni boss Marco.

"Naman, bagong dating pa nga lang tanghalian!" Inamba ko si Niko ng sapok sa sinabi niya.

"Layas," madiing patong ni Kuya Ian para maasar sila at umalis na talaga.

"Buti nga," pang-aasar ko sa mga kaibigan nila. 'Di ko sila basta bet na kaibigan ni Kuya Marco. "Nga pala, lalaro ka talaga mamaya?" Tanong ko kay Kuya Marco na busy sa paglamon pagkaupo.

"Bakit hindi? Talo HIDU pag 'di ako kasali. Ako pag-asa nila, gets?" Ang hangin talaga ng unggoy na 'to! "Sa sobra kong gwapo, bola na ang lumalapit saakin!"

"Ayan! Kaya ka mabola ng mga grade 8!" Halos maibuga ni Kuya Ian ang kinakain at binantaan ako ng kutos.

Habang natigil si Kuya Marco nang saksakan siya ng tinapay ni Ate Lyn sa bunganga. "Is that the BP's?" Napalingon ako sa tinuro ni Ate Lyn, nanlaki ang mata nang nasa likod ko na pala sila at saktong tumama ang tingin ko kay Kris na nangasim ang mukha nang makita ang bibig kong puno ng lalamunin. Mahabagin...

"Hey," aniya, tumango ako nang mahinhin atsaka tumalikod sa sobrang hiya. Mukha akong tukneneng. Taragis.

"Brothers!" Bulyaw ni Kuya Marco. "Anong ginagawa niyo dito? Diba dapat nagwawarm up na kayo?"

Falling Series #1: The Rhymes in Our FallWhere stories live. Discover now