CHAPTER 10

442 43 1
                                    

Tuesday morning, mukhang wala paring balak na makisabay ulit sa pagkain saamin si Dad. Mom is over working herself to avoid the family drama. Kuya, I and the rest are prone with this.

"Nanay-" 'Di ko natapos ang sasabihin ko nang lumagpas 'to sa'kin bago pa man ako makapag paalam, naiwang nakatengga ang kamay ko sa ere kaya binaba ko nalamang 'yon at lumabas na.

Malapit na ako sa room nang maaninag ko sila Lake at Rayben na magkasama kaya agad ko silang hinabol. "Ang aga niyo?" Tanong ko, sumimangot si Rayben at kinurot si Lake sa tagiliran.

"Ito kasi! Sunduin ba naman ako sa bahay namin ng 5:30!" Tinignan ko si Lake.

"Trip mo? Friendship stroke? Ako na ba isusunod mo?"

"Gago, kadiri ka. T'saka." Ngumuso ang hari ng mga dugyut. "Si Jacky kasi, sinundo ko sakanila sabi niya si Cyril na daw maghahatid sakan'ya, kaya ayan si Rayben nalang tinangay ko."

"Napaka." Napasampal ako sa noo. "Bakit 'di mo nalang pinilit kasi si Jacky?"

"Ewan ko doon, Cyril ng Cyril, tss, favoritism." Sumbong niya na parang bata.

"Hoy, 'di 'yon favoritism, ang tawag doin, priority." Nagtakip ako ng bibig sa pagpranka ni Rayben kaya nag-apir kami.

"Ang astig mo, Rayben!"

"Hayop kayong dalawa, bakit niyo kinakampihan ang Cyril kambing na 'yon? Diba nga, LaCky fanatics?" Inikutan namin ng mata si Lake.

"Ang LaCky mong sakit sa ulo," asik ko, sakto namang nakapasok na kami ng room kaya diretso kami sa upuan namin at iniwan si Lake na gigil.

"LaCky fanatic kasi uy!" Habol niya at hinila hila pa ang braso ko. "Bro! Ano ba?! Sabi ko LaCky! F.O talaga! Friendship olol!"

Ngumisi ako sa naalala. "Kapal ng mukha mong unahing lumandi! Naalala ko utang mo saakin last last year!" Namutla 'to sa narinig. "Rayben! Ang listahan ng utang, please!" Parang butler kong sabi, halos at isampal ko kay Lake ang utang niya. "Ano?! Tatakbo ka pa ng Guam, ah?!"

"Taena, Monteriano. Ang tagal na nito, 'di ka makapag move on?!"

Nanlisik ang mga mata ko. Sobra talaga! "Taena mo din, Guttierez. Glow up, glow up ka pang nalalaman! Inutangan mo kami pang rejuv set mo, 'no?!"

"Anong?!"

"Ano ba?!" Nagsitigil kami sa sakalan nang bumangon sa pagkakatungo si Jacky sa mesa. "Isa pa!"

"Hala, 'yong literal na naka-drugs," bulong ko dahil sa stress niyang tignan. Nasapol naman ni Lake ang braso ko kakatawa.

"Gago ka talaga, Monteriano."

"Naman, bro. Pero mas gago ka."

Inakbayan niya ako. "Maggaguhan nalang tayo, forever!"

"Mag-isa ka."

"Class. The program was finalize." Umayos kami ng upong apat para pakinggan si Pres na tumayo sa unahan habang nasa likod niya ang buong nerd squad. Para silang Partylist.

"Ito ba 'yong sa Ms. and Mr. HIDU ganoon?" Bulong ko.

"Yes, 'yong pageant na napag-usapan nila last week. Naapprove na daw," balik ni Rayben.

"Eyes and ears here!" Tapik ni Pres sa unahan. "The said event will be held in the auditorium this Saturday. Get that? There'll be three groups per section. Us, the classroom officers had already picked up the leaders and assistant and contestant per group."

"Desisyon ka," bulong ko.

"Debate against this declared group is prohibited. John, give them the division and program flow."

Falling Series #1: The Rhymes in Our FallWhere stories live. Discover now