CHAPTER 15

348 20 0
                                    

"Ang aga ng landi mo, ah?" Bati ko kay Lake dahil panay ang irog nito kay Jacky na halata ang rindi sa kadugyutan ni Lake. Kahit ako man.

Ang galing sa harot, tignan mo bagsak sa Calculus.

"Mas maaga ka, nakita kitang kausap si Kris kanina."

"Hala! Friendship goals!" Pinagtama namin ang kamao at pinalipad 'yon. "Magkasama sa kahirapan at landian!"

Nakaani kami ng iritasyon kay Jacky na panay kopya nanaman sa notes ko. Umupo na dapat ako nang mapansing wala si Rayben.

"Nasan 'yong isang dugyot?"

"Lipad niya ngayon ng Japan for the internationals."

"Lang'ya ngayong araw 'yon?" Nagmamadali kong inasikaso ang cellphone at nakipag video call kay Rayben. Sandali lang kaming nag-usap na galingan niya kundi wala siyang Shanghai pag-uwi. Dumating maya-maya si Prof Lana kaya tinapos ko na ang call.

"Galingan mo!" Huling bulong ko.

"Una na akong uwi!" Kaway ni Lake na nagmamadali paliko sa corridor. "Birthday ni Kate, eh. Bye! 'Wag kayo mag-ingat!" Ngiwi ang sinukli ko dito papalayo saka lang pumasok sa isip ang sinabi ni Lake.

Kasama niya mga pinsan niya? Kahit kaya si Kresh? May kusang humila saaking dibdib para magpaalam kay Jacky at sundan si Lake. May gusto lang akong tanungin kay Kresh.

That mole...

Sigurado akong nasa bandang parking sila kaya doon ako nagtungo. But as much I search the place, nawalan ako ng kumpyansang naabutan ko pa ito. 'Di ko na sila naabutan.

Tutulak na dapat ako paalis nang isang imahe ang nakita ko dahilan ng pag-ugat ng paa sa lapag.

A girl namely Angeliqa started running to... Kim's familiar car. It happen that the guy was waiting for her. And right in front of my bare eyes, I saw them talk about life. Napakurap ako nang makita ang pagdampi ng kamay ni Angel sa braso ni Kim.

Sa braso...

For once I felt cold, I never saw how serious Kim is. That expression, that mature feature of him.

What left me astounded is that, he opened the car we used to buy groceries last week. He lead her inside as they drive away. Naiwan akong nakatunganga sa gilid. 'Di ko namalayang kinagat ko na ang daliri ko.

Where are they going? What are they doing? What are they?!

"Dinner?" Yaya ni Limen pagbaba ko para kumuha ng tubig. Kaysa sakan'ya, lumipad ang tingin ko kay Kim na kakatanggal lang ng apron habang nakatitig saakin. Naghanda na silang dalawa ng pinggan.

"You're not having dinner?" Kim asked, nagdiin ang hawak ko sa tumbler nang maalala ang itsura niya kanina kausap ang Angeliqa niya. Hinarap ko siya ng inis at balak i-trash talk nang mapansin kong kagagaling niya lang sa pagluluto ng mga pagkain namin.

By the look of his beads of sweat he poured effort on it, and the way he looks at me. I pursed my lips as I glance away.

"Eat up, Arth," ganoon kasimple ang sinabi niya kaya bumigay ako at sumabay sakanilang dalawa.

The next day came, wala padin si Rayben pero kakatapos lang naming magvideo call at standing brave parin siya. Siya pa? Talino noon eh.

"Uwi kana?" Tanong ni Jacky, tatango dapat ako nang maalala na meron nga pala kaming lakad ni Kris, I almost forget that bawi thing from him.

"Nope, I have a date."

"Sana all tamang landi everyday."

Nagkibit balikat ako kay Lake na inggit. "Lubos na pinagpala eh."

Falling Series #1: The Rhymes in Our FallWhere stories live. Discover now