CHAPTER 16

300 19 0
                                    

Nagkulong ako buong magdamag sa kwarto, nilock ko ang pintuan at hinarangan ng mga iba pang bagay matapos malaman na tuluyang umalis si Samuel. Iniwan niya ako.

"Arth? Buksan mo na 'to, kailangan mong kumain—" Binato ko ang pintuan dahil sa sinabi ni Ate Melda, mas lumakas ang iyak ko sa gilid ng kama yakap ang binti.

Reaching his stars means breaking me.

'Di ko maiwasang nakaramdam ng lungkot, napakadaya kasi. Minsan mo nalang nararamdamang mahalaga ka, kailangan pang matapos. Bakit may expiration date?! Bakit walang nananatili sa tabi ko, bakit ayaw nilang lahat saakin? May nagawa ba akong masama?

Tatlong mahinang katok ang narinig ko.

"Arth? May nagbalik... gusto kang makita, ayos lang ba?" Tumayo ako sa posisyon ko na parang kidlat at napatitig sa pintuan. Bumalik?!

Agad kong tinanggal ang nakaharang sa pintuan at mabilis na tumakbo papuntang garden na parang doon nakalaan ang buhay ko. Samuel. Agad kong hinanap si Samuel kung saan saan pero ni anino niya wala akong nakita.

"Hello," tawag ng kung sino sa likod, hinarap ko siya. Nagtaka siya nang mapansing umiiyak ako. "Bakit ka umiiyak? Wait, where 'yong ishang kashama mo..." Naupo ako sa lapag at mas lumakas ang iyak.

'Di siya si Samuel...

'Di na talaga siya uuwi. 'Di na siya babalik saakin. Nagpakalayo layo na siya. Inagaw na siya ng stars!

Lumapit saakin ang batang may magandang kutis at dinamayan ako sa lapag. "Don't cry... shhhh..." Ti-nap niya ang balikat ko.

"Si Samuel... si Samuel, iniwan niya ako."

"Huh?"

"Wala na si Samuel... madaya siya!"

"I-Iniwan ka... ah... don't cry kashi..." Kumamot 'to sa ulo at may naisip na 'di ko pinansin. "Alam ko na, balikan kita dito lagi para 'di ka na mag-isha, diba? May kasama kana ulit. Game?"

'Di ko sineryoso ang sinabi ng ligaw na batang 'yon, pero 'di din siya magbiro, tuwing bumibisita sila sa Pampanga talagang dumadalawa pa siya sa Orphanage para lang 'di daw ako mag-isa.

"Bumalik si Mommy..." Kwento ko sakan'ya, naging malapit kami sa isang buwan narin ang nakalipas. "Sa isang bukas na kami aalis." Tumango siya.

"We can still be friends, don't worry."

"I'M not Samuel," ulit niya.

Vivacity in my heart vapor like air. He wasn't really him. But still, he's a friend of mine back in the Orphanage.

'Di ko akalain na pwede pa pala kaming magkita.

"The land of the lost turned into a paradise." Tama siya, naging resort na nga ang orphanage. Matapos naming mag-usap ukol sa buhay, nagtanong ko kung ano na ang nangyare sa Orphanage. Dinala naman niya ako dito.

"Everything has changed," tingala ko ang labas ng resort. A minute pass before I remembered something. "Are we still friends?"

"Bala ka."

"Close friend na, ah?" Natawa ako sa pagiging mature nitong sumagot. Tumango tango ako sa langit nakatingin. "I wanna see, Sam again. May mga bagay lang sana akong gustong tanungin sakan'ya." He stared at me for a second.

Falling Series #1: The Rhymes in Our FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon