CHAPTER 7

509 46 0
                                    

Nilapag kong pabalang ang cellphone ko sa police desk at hinilot ang noo. It's 8AM on this Monday morng.

Freaking Monday. Dalawang araw nang nawawala si Jacky! Dumating narin ang parents niya from U.S, sila ang kinakausap ng mga imbistigador ngayon sa interrogation room.

"It's not working," bulong ni Lake, isa pa 'tong taong 'to, 'di siya pumapasok kahit kakabalik niya lang. Uuwi lang din siya sa unit niya para mag-ayos ng sarili at ilulugmok ang sarili kakaintay ng update kay Jacky.

Kausap nito parati ang magulang ni Jacky, mukhang noon pa man ay malapit na siya sa Gavinci family. Tutal sila naman talaga ang magbestfriend, kami na ang sabit. Binalingan ko si Rayben na wala ding usap parati, malungkot.

I don't really care much with my friends, as long as alam kong nand'yan sila sa tabi ko. Ayos na 'yon. Pero ganito pala pakiramdam ng nag-aalala.

"Arth, it's time for class." Dumating si Kuya Ian kasama si Ate Lyn para sunduin ako. Isang buntong hininga saka ako tumango, I faced Lake.

"Sumama kana," yaya ko, umiling siya at winagayway ang kamay para paalisin kami. Wala akong nagawa at umayon. Sumunod kaming dalawa ni Rayben kina Kuya Ian, papalabas na kami ng prisinto, pero nang makasalubong namin ang isang pamilyar na mukha. Otomatiko akong tumigil sa paglalakad at sinundan ito ng tingin.

What is Cyril doing here? Nag-isip ako, and then it hit me. Bumalik ako sa loob nang nagmamadali, nadatnan kong nakatayo si Lake and looking intense at Cyril na blanko ang mata gaya ng yelo. I felt the tension kaya pumagitna ako.

"We need to chill guys." Kahit na ganoon ay 'di parin sila natinag sa bawat isa, 'di man lang yata ako napansin, dahil nakukuha na nila ang atensyon ng ilang police officer ako na ang lumapit kay Lake. "You need to stop staring at each other, baka kung ano ng isipin ng iba. Kahiya."

Naunang bumali si Cyril, nilagpasan niya si Lake na matatag paring nakatayo, lumapit ito sa desk. "About Jacky Gavinci." Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Lake, hawakan ko palang 'to para pakalmahin pero naharap na niya si Cyril.

"What do you want? Natapos ang ilang araw, saka kalang magpapakitang nag-aalala?"

"Lake." Ako ang umani ng pangamba sakanilang dalawa. Hindi pinansin ni Cyril ang sinabi nito at patuloy na nagtanong ng kalmado sa officer, mukhang nabastos dahil doon ang kaibigan ko, 'di ko na napigilang ang paghila niya sa kwelyo ni Cyril paharap.

"Kausap kita." Naging mabilis din si Cyril na tabigin si Lake na kinapikit ko. Here they are again! After two long year, galit parin sila sa isa't isa! Ano't gunggong ang mga lalake?!

"Ano ba? Nasa prisinto kayo." Inawat sila ng ilang pulis na pumagitna narin, kahit ayaw mag patalo ni Lake, pinili niyang umupo.

"Ayos na ako," sigura niya nang iwas mata kay Cyril.

"Wag kang gagawa ng masama," payong kaibigan ko. "Babalik ako later. Saka kumain ka nga, panget mo na gago." Tinabig niya ang kamay ko saka umirap.

"Pampagising." Gulat ako nang may magdikit ng malamig na bagay saaking pisngi. Mumurahin ko dapat 'yon nang malamang si Kris pala! Umupo siya sa tabi ko dito sa cafe. Ang gwapo niya sa school uniform lalo na at 'di suot ang blazer, para akong nagkagana bigla. "Coffee, you need this. You look..." Inunat nito ang leeg habang inaaral ang mukha ko.

Falling Series #1: The Rhymes in Our FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon