CHAPTER 14

328 23 0
                                    

"Polcadots my men?" Tawang tawa ako nang makita si Limen sa ganoong postura paglabas. Para akong mangkukulam na nang-aasar. Natigilan siya sa narealize at agad namula. Tinakpan niya ang mukha gamit ang palad. 'Di yata namalayang lumabas siya ng nakaganoon.

"I didn't notice... I have to go—"

"Teka! Patingin pa muna." Umakto pa akong pinicture ito. "Woah, para kang... tanga." Nang tatapikin ko ito na nagbibiro lang ako ay agad siyang lumayo, nalaman ko agad kung bakit. "May sakit ka!"

"I-I have none, Ms. Ate Marg."

"Ang kulit mo talaga." Kahit pansin na pansin na sa pisngi niya 'yon, wala akong ginawang paghihimutok dahil 'di ko pwedeng pilitin ang taong ayaw. "Ge, magpalit kana."

Nang umalis siya ay nagtungo ako sa kusina. Napatigil ako nang nadatnan ko doon si Kim na nakatalikod. Kaunti akong na-awkward dahil sa last encounter namin. But anyways, malalaki na kami para doon.

Agad akong lumapit sa ref habang siya sa may stove. Ngumuso ako nang makitang walang malalamon, lihim ko siyang sinilip saka ngumuso. "Ano ba 'yan, Kim! Pinapabayaan mo ko!" Parinig ko. "Paano pag naging mag-asawa pa tayo?" 

Sinara ko ang napaka-laking ref at tinuro 'yon pagharap niya. In fairness, mukha pa din siyang feeling virgin sa kunot noo nito.

"Gutom ako," at hinawakan pa ang tiyan para naman maawa siya. "Paano na baby natin," nag-inarte pa ako.

"What do you want for breakfas—"

"Pancake! Isang milyong pancake!" 'Saka ako umupo sa may highchair tapat ng island counter habang nakasalong baba.

"Fine." Napaayos ako ng upo dahil pumayag ito. Shet, ipagluluto niya nga ako! A grin flashed over my lips. Dagdag pogi points 'yon for him!

Nagsimula na siyang magkalkal ng box sa cupboard habang ako at nilalaro ang bowl at whisk. Lumapit naman siya saakin at inagaw sa kamay ang utensils. Kinain ko ang labi nang napasilip sakan'ya sa paglapit nito. Medyo... may spark.

"So?" Basag ko sa katahimikan. Dumantay ang tsokolate niyang mata na nagpasikip sa dibdib ko.

"Hmm?"

Ngumisi ako. "So in the near future, ikaw ang house husband habang ako ang magta-trabaho, ganoon? Tapos ikaw manganganak, tapos gusto ko 12 babies. Para gagawa tayo ng sarili nating tribo, ipapangalan natin... ahm, mga kulugo! Pwede na 'yon, sounds ethnic narin! Mga kulugo ni Marg at Kim. Shit, bagay!" He stopped moving.

"What?"

"Well, naisip ko lang din tutal bet na bet tayo ng parents natin, diba?" pang-aasar ko.

"It's for money." Napanganga ako sa pagiging pranka niya. "And stop with the tribes."

"So 'di mo nga ako type? Sad for you, I also know how to cook," I grin. "Or, eat... you. Base on what you prefer. Wife material 'to!"

He heaved... stressed. "So?"

"Destiny nga tayo, eh!" Pinigilan ko muli ang tawa dahil nakita ko ang sili niyang mukha sa irita. He smirked and continued doing the mixing while looking cute. Nagsalong baba ako habang pinapanood siya, trip ko talaga siya ngayong umaga.

"Damihan mo ng syrup akin, gawin mong nilaga." Bumaba ulit ang katahimikan nang magsimula na siyang magsalin sa pancake maker. Habang pinapanood ang gilid mukha niya. The other night's scene crashed over me. The galaxy hologram in his room.

Right, about that.

Humugot ako ng hangin at nilaro ang mixing bowl.

"About the other night," pasimuno ko. "You like stars?" I asked him. I was so eager to know his side. But he stood there, facing me back like he didn't hear anything. Naiyamot ako.

Falling Series #1: The Rhymes in Our FallWhere stories live. Discover now