Chapter 21

107 5 3
                                    

“Saan namin kayo pwedeng sunduin?” Tanong ni Tita Liza.

Nandito kami ngayon sa bahay at nagpaplan kami ng vacation dahil isasama daw kami ni Tita Liza. Bukas kasi ang wedding anniversary nila, kaya ayun sinasama kami kasi nga dalawa lang sila ni Hezekiah na magcecelebrate, bali tatlo pala dahil kasama rin si Jason. Tas ngayon magiging 7 dahil kasama narin kami. Ang hindi ko alam ay kung saan.

“Po?” Tanong ko ulit dahil hindi ako nakikinig. “Ilang days po ba tayo don?”

“Okay lang ba sa inyo ang 3 days? Aabsent nga ko sa work ko.” Paliwanag niya. “Okay na rin yon, tutal naman babalik na rin ang Mama mo sa Japan next week.”

Oo nga pala. Ilang days nalang babalik na si Mama sa Japan at maiiwan na naman kami sa Tita ko na walang asawa. Dito siya pinapatira ni Mama para mabantayan kami at para may kasama kaming matanda. Lalo na ngayon at wala na si Kuya Andre.

“Maganda nga yon Liza. Si Annika lang naman ang may pasok dito samin.” Sabi naman ni Mama.

“Hmm pwede po bang magpaiwan?” Tanong ko.

Ayoko lang talaga kasi ng umaabsent. Sayang yung 3 days! Mamaya may quiz kami edi nazero ako? Sayang yon! Tas mahuhuli ako sa mga discussions.

“Ha? Ang KJ nito!” Sinamaan ko agad ng tingin si Kyra.

“Annika. Minsan lang to! Ngayon nga lang tayo magbobonding di ka pa sasama?”

Napafacepalm ako. Shit this. Napailing ako. Sa dulo ay napapayag rin naman nila ko. Kailangan kong gumawa ng letter para maexcuse ako sa mga quizzes. Ipapasa ko yun bukas sa lahat ng teacher at iniingatan kong hindi yon mabasa nina Carla dahil maghihinala sila at lalo na ni Diana dahil alam kong aasarin ako non. Hindi ko pa nga pala nakekwento sa kanya yung napag-usapan namin ni Hezekiah.

Maya maya ay dumating si Hezekiah at Jason na may dalang dalawang box ng pizza. Pizza! OMG.

“Heze sunduin namin kayo ni Annika at Jason sa tapat ng school niyo, ha? 5pm uwian niyo diba?” Paalala ni Tita kay Hezekiah.

“Opo.” Sabi ni Hezekiah tsaka inabutan ako ng isang slice ng pizza.

Nagpasalamat talaga ko dahil nakatissue siya at hindi katulad ng iba na kapag nagbigay ay nakakamay lang talaga. Yuck lang. Aabutin ko na sana pero nagtaka ko sa titig nila samin. Nanliit ang mata ko ng mapansin ang pag-awang ng bibig ni Jason at Tita, ang panlalaki ng mata ni Ky. Buti nalang wala si Mama. Agad kong inabot ang pizza kay Hezekiah at tumayo para puntahan si Mama. Narinig ko ang pag-apir ni Jason kay Hezekiah bago ako tuluyang makaalis.

Bumalik ako ng may dalang isang pitcher ng ice tea at mga baso. Napansin ko ang pagngisi sakin ni Tita. Pero binaliwala ko yun. Lalo siyang napangisi ng bigyan ako ni Hezekiah ng isang basong ice tea. Napapikit ako. Damn…

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just Another Guy [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon