Chapter 16

65 1 0
                                    

Kumunot ang noo ko sa pinakita niyang picture. Medyo malayo yung pagkakakakuha pero kilalang kilala ko kung sino yung nandon, isang lalaking at babaeng naghahalikan. Hindi ko alam kung smack or what dahil picture lang ito, at sa view nitong camera mas expose ang mukha ng lalaki… si Kevin.

Bumilis ang tibok ng puso ko kasabay ng pagiging uneasy ko. Pumikit ako para mapigilan ang mga emosyong nararamdaman ko. Damn hindi ko na kailangan malaman kung sino yung babaeng yon. Shit this! Si Kevin yung nasa picture! Alam ko dahil halatang halata na siya naman talaga! Dumilat ako para makita ang nagaalalang mukha ni Diana.

“Annika…” Sambit niya.

Gusto kong umiyak dahil sa lambing ng boses ni Diana pero ayoko. Hindi ako iiyak. Matagal na kong hindi umiiyak at hinding hindi ko iiyakan si Kevin. Namuo ang galit sa puso ko at unti unting sumikip ang dibdib ko.

“Class! Sorry I’m late. Can you get back to your seat now?” Biglang sulpot ng teacher namin.

Tinap ni Diana ang likod ko bago bumalik sa kanyang upuan.

Ngayon hindi ko alam kung magiging okay ang araw ko. Hindi ako makapaniwala! Si Kevin ba yon? Si Kevin yon. I’m sure. I’m fvcking sure! Si Kevin yon. Hindi ko kayang lokohin ang sarili ako. Mahal ko si Kevin pero hindi ko kayang lokohin ang sarili ko dahil sa pagmamahal na yon. Umiling ako.

Teka, baka hindi yon si Kevin? Tinignan ko si Diana mula sa upuan niya at nakatingin siya sakin gamit ang nag-aalala niya paring mukha. Hindi ko kaya to. Gusto ko ng magburst out pero hindi pwede. Hindi ditto. Ayoko. Ayokong magpakita ng kahinaan.

Kinimkim ko ang galit ko at mariing pumikit.

“Ms. Sanez? Are you okay?” Lumapit sakin ang teacher ko “You look pale. May sakit ka ba?”

Napamulat ako at agad umiling sa teacher namin “Wala po. Okay lang ako.”

“Are you sure? Do you want to go to the clinic?” Nabaling ang tingin ng mga kaklase ko sakin.

Umiling lang ako “I’m sure Ma’am. Okay lang po talaga ko.”

Tumango siya “Okay! Going back to our discussion…” Pagpapatuloy niya.

Natapos ang apat naming subject at lunch break na. Mabilis na nag-alisan ang mga kaklase namin para malunch pero nanatili ako sa upuan ko. Wala akong gana ngayong araw. Wala akong lakas para tumayo. Hindi ko nga alam kung matatapos ko ba ang araw na to na walang napagbubuntunan ng galit.

“Annika-“ Naunang lumapit si Diana pero agad ring naglapitan sina Carla.

“Uy okay ka lang ba? Kanina pa kita napapansin, para kang may sakit!” Sabi ni Carla.

Just Another Guy [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon