Chapter 1

194 2 0
                                    

 

“As usual. Late na naman.” Tinignan ko ang orasan.

“Inaantok pa kasi ako.” 2 hours and 15 minutes akong late.

Bigla akong inakbayan ni Kevin, nginitian ko siya.

“Wag niyo ngang aawayin to.”

“Pinagsasabihan lang naman. Kanina pa kaya tayo dito, ang usapan 8:30.”

Bakit naman kasi ang aga diba? Masyado ata akong miss. Hays. Hindi ko pinansin ang pagtatalo nila. Pati si Carla at Ric nakisali. Ewan ko kung bakit big deal ang pagiging late ko? Wala naman kaming gagawing importante dito sa bahay nina Russel kundi manood ng movie.

“O kumain ka na.” Inabot niya ang isang plato na puno ng rice.

“Bakit ang dami?”

“Hati na tayo, diyan na rin ako kakain.”

“Huh?! Ayoko!”

Ayoko. Edi parang maghahalo yung laway naming diba? Ayoko. Kahit na may gusto ako kay Kevin, nandidiri parin ako, tsaka anong use ng maraming pinggan dito sa bahay nina russel. Kaya ayun at napilitan siyang kumuha pa ng isang pinggan.

“Ang sweet sweet ni Kevin! Ito namang si Annika panira.” Nagpout pa si Annika.

“Kung gusto mo kayo magshare sa isang pinggan.”

“O chill. Nagsusungit ka na naman.” Inirapan ko si Ric.

Biglang dumating si Kevin.

“O inaaway niyo na naman to?”

“Ano ka! Siya pa nga ang nang-aaway. Hahaha”

Umuwi kami ng mga 10:30 na ng gabi. Tambay lang talaga ang ginawa namin dahil nga weekend ngayon wala rin naman kaming gagawin sa bahay. Nagpaalam kami sa mom ni Russel na uuwi na. Hinatid niya in kami sa gate ng subdivision nila.

“Sige guys. Sa susunod ulit.”

“Salamat ulit Russel!” Sigaw namin.

“Nga pala. Wait Kevin!” Napalingon ulit kami sa kanya. “May nag-aaya ng laro, Saturday, game?.”

Nauna na ko sa paglalakad, alam ko namang tungkol na naman yun sa basketball. Sumabay sa paglalakad ko si Diana at Carla.

“May bagong transferee. Ang cute!” Kilig na kilig ang reaksyon ni Carla.

Just Another Guy [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon