Chapter 11

78 0 0
                                    

“Now, pwede mo na bang i-explain sakin kung bakit nandon ang mayabang na yun sa bahay niyo?” Napangiti ako sa tanong niya.

“Friends sila ni Kuya.”

Mas masaya siguro kung si Kevin ang kaibigan ni Kuya at hindi si Hezekiah. Masyado kasing busy itong si Kevin kaya hindi siya madalas makapunta sa bahay, kapag naman nakakapunta siya wala si Kuya. Pero alam kong hindi nila masyadong vibes ang isa’t isa. Kasi kapag nandon silang dalawa sa bahay hindi niya pinapansin si Kevin.

“Kelan pa?”

“Well…” Sasabihin ko bang family friend? Kapitbahay or what? “M-matagal na. Bago ko pa siya makita dito sa school, f-friends na sila.”

Tumango siya.

Shit this! Nagsisinungaling ako! Aish hindi ako sanay. Hindi naman malalaman nina Carla na kapitbahay ko yun dahil hindi naman kami madalas sa bahay tumambay, kaya safe. Tama! Walang makakaalam kundi si Diana, madalas kasi siyang magsuprise visit samin. Pero alam kong kapag kinausap ko si Diana papaya siyang wag sabihin kay Kevin ang totoo.

“Wag na natin pag-usapan ang isang yon.” Seryoso niyang sabi, tinignan niya ang relo niya “Mauna na pala ko, may gagawin pa ko.”

Napatingin ako sa paligid ko, wala sina Diana dahil nauna silang umakyat, akala nila magkagalit pa kami nitong si Kevin kaya binigyan nila kami ng alone time. OMG. Wala akong kasabay umakyat! Hindi ako sanay.

“O-okay.”

Ngumiti siya ng pilit “Sorry hindi kita mahahatid sa room mo, ha?”

Tumango lang ako at naglakad na siya papuntang gym, syempre ako rin naglakad na. Maraming tumitingin, ito yung ayoko kapag mag-isa e. Hindi lang talaga ko siguro sanay. Nakataas ang isang kilay ko habang naglalakad, maraming ngumingiti saking lalaki. Damn boys.

Nawala ang ngisi nila ng

“Ang sakit, dumudugo pa ba?” Sabi niya.

Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya, napansin kong masyadong maraming mata ang nakatingin samin kaya naglakad na ulit ako. WTH mamaya malaman pa ni Kevin na nag-uusap kami ng isang to e.

“You deserve that.” Nagpout siya dahil sa sinabi ko.

Nagpaawa effect siya “Alam mo, hindi nga ko makakakain e.”

Ewan ko kung saan na napunta ang galit ko sa kanya pero dahil bati na kami ni Kevin at alam kong hindi na kami mag-aaway ulit, parang gusto kong kalimutan yung galit ko sa mayabang na ito. Masyado akong masaya para problemahin siya.

Gusto kong matawa sa itsura niya pero pinigilan ko.

Just Another Guy [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon