Chapter 15

82 1 0
                                    

“WALA?” Bumuntong hininga si Ric “Paano mo nga kasi mararamdaman, eh manhid ka! Kapag kailangan mo ko lahat ginagawa ko para makapunta sayo. Tuwing niyaya kitang kumain sumasama ka! Nanood tayong dalawa ng sine, yung Romeo and Juliet na bago! Tapos sasabihin mong hindi pa ko nagpaparamdam?!”

Napaisip si Carla sa mga sinabi ni Ric, kaming apat naman ditto eye to eye lang ang ginagawa dahil hindi kami pwedeng sumabat.

“Oo! Sasabihin mo sakin na ‘kaibigan kita. Natural lang na lagi akong nandito para sayo!’ Haynako. Ewan ko sayo! Bahala ka sa buhay mo. Kevin, bakit mo pa ba yan sinama ditto?”

Nabaling ang tingin ni Carla kay Kevin na biglang nagulat.

“Carla, tama na. Kain nalang tayo.” Natatawa kong sabi at nginitian si Kevin.

Galit na galit parin si Ric, mabilis siyang tumayo at nagwalkout. Nagpout naman si Carla tas si Diana susundan sana kaso pinigilan na ni Russel.

“Patay ka… ginalit mo!” Pang-aasar ni Russel.

“Masama bang macarried away?”

Napailing nalang ako sa kanila. Damn, akala ko nagbago na si Carla dahil nagkaroon na siya ng crush, si Hezekiah. Pero hindi parin pala. Biruin niyong matagal na palang nagpaparamdam si Ric at dahil nga si Carla yung taong kahit obvious na flirty ay sasabihin niya paring friendly, hindi niya tuloy napansin na nagpaparamdam na si Ric.

Ilang days ang lumipas at magkagalit parin yung dalawa. Tuwing naglulunch tuloy kami ay magkahiwalay ang boys sa girls. Natatawa nalang ako sa ginagawa nila lalo na ni Kevin kapag nagkakasama si Carla at Ric dahil aasarin nila ng sobra.

Vacant namin ngayon at naisipan naming bumili ng pagkain sa cafeteria.

“Kayo ba napapansin niyong nagpaparamdam na si Ric?” Tanong ko kay Russel at Diana.

“Hindi eh.” Sagot nilang dalawa.

“Pero totoong dinadala niya yung gamit ni Carla kapag umaga?” Tanong ko ulit.

“YAN KASE! Ayaw pumasok ng maaga.” Asar ni Diana sakin.

“So gusto mong pumasok ako ng maaga para lang makita si Ric na binibitbit ang bag ni Carla?” Inirapan ko siya “No thanks.”

“Taray talaga nito!” Natatawang sabi niya.

“Pero sa totoo lang, hindi ko din pansin na may gusto pala si Ric kay Carla.” Sambit ni Russel.

Nakarating kami sa cafeteria na wala masyadong tao dahil hapon at karamihan ng stidyante ay may klase. Sa di kalayuan ay nakita ko si Hezekiah na may kausap na babae sa isang table, dalawa lang sila don. Nanliit ang mata ko, pagawa gawa pa siya ng speech at eksena niya nung despedida ni Kuya tapos ganto ang ipapakita niya sakin?

Just Another Guy [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon