Chapter 18

61 0 0
                                    

Dumaan ang mga araw. Akala ko magiging mahirap ang pag-iwas kay Kevin pero hindi pala, siya mismo ang hindi nagpapakita. Nagtetext siya na hindi siya sasabay sa lunch tapos kapag uwian sasabihin niyang huwag ko na siyang hintayin dahil may training pa sila. Hindi rin naman nagtataka sina Carla kung bakit hindi namin siya nakakasama, siguro alam din nila. Okay sakin yung ginagawa niya dahil naiiwasan ko siya pero parang mali. Lumalayo siya, hindi kaya…

Friday nung araw na yon ng hindi ko nakayanan. Nakareceived ako ng text kay Kevin na sa room nila siya kakain ng lunch dahil may gagawin siyang assignment para sa susunod nilang subject. Nagpaalam ako kay Diana na aalis lang ako saglit tsaka ako dumiretso sa room nina Kevin. Fourth year na siya kaya nasa 4th floor ang room niya.

Nang makarating ako nakita ko mula sa salamin ng pinto ng classroom nila, nandon siya kumakain habang nakikipagtawanan sa iilang mga kaibigan niya. Limang lalaki lang sila don dahil siguro karamihan ay bumaba para don kumain. Nakita ko rin sa gilid niya ang notebook, libro at ballpen. Napailing ako. Shit Kevin. Ano ba talaga. Babalik na sana ko sa cafeteria ng

“Ikaw yung nililigawan ni Kev diba?” Tanong ng isang lalaki “May kailangan ka ba sa kanya? Gusto mo tawagin ko?”

Tinaasan ko lang siya ng isang kilay at nagsimula ng umalis.

“Kev nasa labas si Annika.” Rinig kong sabi niya.

Nagmadali ako sa paglalakad at pagbaba ng hagdan. Ng makarating ako sa canteen ay pawis na pawis ako. Damn this. Ano bang pumasok sakin at naghinala ako ng ganon? Napapikit ako, siguro dahil sirang sira na ang tiwala ko sa kanya.

“Annika, okay ka lang diyan?” Puna ni Russel sakin.

Tumango lang ako.

“San ka ba galling? Bigla kang nawawala.” Napatingin naman ako kay Carla.

“NagCR siya. Nagpaalam siya sakin kanina.” Sabi ni Diana.

“Ah okay.” Sagot ni Carla.

Dahil malapit na ang exam wala ng masyadong discussion na nagaganap. Puro review and seatworks nalang. May isang subject pa nga kami na puro kwentuhan lang ang ginawa namin, I mean nila pala. Buong klase ay tahimik lang ako sa upuan ko. Kapag pwedeng magphone nagi-earphones ako. At kapag pwedeng matulog natutulog ako.

Kevin:
Diretso uwi ka na. Wag mo na kong hintayin. Gagabihin ka lang.

Yan ang nareceived kong text pagkatapos kong maglocker para ibalik ang mga gamit ko. No, Annika. Concern si Kevin sayo at hindi niya ulit yon gagawin sayo. Ginagawa niya ba to para gantihan ako? Kasi hindi ko siya mabigyan ng assurance? Napakagat labi ako, kung ano ano na namang pumapasok sa isip ko.

“Tapos ka na?” Biglang sulpot ni Diana.

Just Another Guy [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon