Chapter 8

72 1 0
                                    

Hindi katulad ng natural kong pasok, ngayon maaga ko. Yep, and to tell you kasabay ko pang maglakad ang teacher namin ngayon, which means papasok palang siya ng room namin. Natawa siya ng makita ako sa tabi niya. Well atleast hindi ako late no.

“Woah, hindi late?”

Inirapan ko lang si Ric. Lumapit agad sakin si Carla at Diana.

“Sooo… Anong nangyari kahapon?”

“Kayo na?”

Umiling lang ako sa kanilang dalawa, nanlaki ang mata nila. Napatakip pa si Diana sa kanyang bibig, what? Umaasa silang sasagutin ko na si Kevin? Kung hindi lang biglang dumating kahapon si Kevin, malamang nalaman na nila ang dahilan kung bakit di ko siya masagot at hindi sila aasa ngayon.

“What?! Why?” Nagtatakang tanong ni Carla

“Shit!” Rinig kong mura ni Ric sabay gulo ng buhok.

“Oyes! Give me your freakin’ 300 NOW.” Natatawang sambit ni Russel.

Bianliwala niya ang sinabi ni Russel at lumapit sa table ko “Hey Annika! Tell me, kayo na diba?!” Lumapit narin si Russel.

Nagtataka lang ako, bakit hindi dumiretso ditto ang teacher namin na kasabay ko kanina sa paglalakad? Hmm.

Umiling ulit ako “Hindi pa e.”

Kitang kita ko ang naluging mukha ni Ric. Pinagpustahan pa talaga ng dalawang to ang pagsagot k okay Kevin? Mga baliw talaga to. Halos manlumo si Diana. What more kung sabihin ko sa kanila na sinabihan ako ni Kevin ng masasakit na salita? Gugustuhin pa ba nilang sagutin ko siya?

“Why? Annika! Ano bang plano mo?” Nagpout ako kay Carla.

“Hindi niyo kasi alam e.” Huminga ako ng malalim “Hindi pa ko pwedeng magkaboyfriend.”

Natawa bigla si Ric tas si Russel tahimik lang. Si Diana medyo nalungkot habang si Carla naguguluhan.

“YOU let him court you, and you assure him na sasagutin mo siya basta ba may mararamdaman ka na. What’s this, girl? Pinaasa mo lang siya?” Kunot noo niyang sabi.

“Wha- NO!”

“Then what?” Naasar na ata sakin.

Naglaho ang tawa ni Ric at inakabyan niya si Russel. Hinihintay nila ang sagot ko pero bago pa ko makasagot ay dumating na ang teacher namin. Whew! Later we’ll talk guys, don’t worry. Sasabihin ko ang lahat! May lunch break pa tayo.

Just Another Guy [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon