After Afterall

93.6K 1.7K 408
                                    

December 2012 ko pa 'to naisulat. Pasensya na ngayon ko lang naipost dito :)

xxx

After Afterall

(25th Anniversary)

Fact: Si Mrs. Jersey Santiago-Santos ay Writing major noong college.

Kilala natin si Jersey na masyadong madakdak, ang daming alam na palusot at kung anu-ano pa ang sinasabi. Wordy na, madrama pa. Patunay dyan ang essay nya nung college at syempre, ang wedding vows niya na sobrang drama.

Pero hindi alam ng lahat, pati na rin ng asawa nyang si Kevin, na mahilig siyang magsulat ng letters.

Yes, letters.

Patago nyang ginagawa yan. Ayaw nya kasing asarin sya ng mga kabarkada (lalo na ni Kevin, ang ever alaskador) na masyadong cheesy, kasi cheesy na talaga sya. Bawat taong nakikilala nya ay ginagawan nya ng sulat. Sabi nga ng Maroon 5, "I wrote two hundred letters I will never send." Sa sulat nya nilalabas ang mga bagay na hindi nya masabi dun sa mga taong importante sa kanya. High school pa lang sya nang simulan nyang gawin yun, at ngayong 49 years old na sya, ipapadala na nya ang mga sulat nya sa isang tao.

4 letters for Kevin. Ito ang regalo nya para sa kanilang 25th wedding anniversary.

----

Paggising ni Kevin, umaga ng April 30, tumambad sa kanya ang isang maliit na treasure chest sa tabi nya. Jersey's nowhere to be found kaya binuksan nya ang chest.

Apat na envelope ang nakita nya sa loob ng chest. Bawat envelope ay may nakalagay na pangalan nya, in Jersey's writing. picked the oldest one first, halata naman kasi sa kulay ng envelope. Nagsuot pa muna sya ng contact lens bago magbasa.

Love,

I don't know kung mababasa mo 'to. Baka kasi break na tayo at sinunog ko na 'to, alam mo na, biterella. Pero.. kung hawak mo 'tong sulat kong 'to.. that only mean one thing: we're married. At siguro nagsisisi ka na na pinakasalan mo ako. Haha! Hoy, bawal magback out ha? Uupakan kita!

See the date? Yes, I'm writing this letter beside your sleeping form, your back facing me. Ang sarap ng tulog mo, at ayaw kitang gisingin. Tomorrow papagurin kita kasi maglilibot tayo dito sa Singapore, at iiwan kita sa tabi ng Merlion. Just kidding!

Why am I writing this letter? Wala lang. Trip ko lang. Gusto ko lang magthank you kasi ginawa mo lahat para mapanood natin ang Coldplay dito! Ipagpapalit na kita para kay Chris Martin. Joke lang! XD

The Despicable Guy Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon