TDG Book 2 - Chapter 46

120K 1.1K 193
  • Dedicated kay Batch 2011-2012
                                    

TDG Book 2 - Chapter 46

8:15 pm nang simulan kong itype 'to. Ch 46 is shorter than 45 so.. sana maenjoy nyo pa rin. Epekto ng antok at crankiness. Haha! :D

DEDICATED TO THE BATCH 2011-2012! Congratulations graduates! ;)

**

ANG BUONG CHAPTER NA 'TO AY NAKA- NORMAL POV. Bakit? Mas trip ko :>

**

Medyo nanginginig pang nagpark si Keith sa labas ng Bel Air house nila ni Amae. Nandun kasi ang sasakyan ng fiancee, at bukas ang ilaw sa second floor. Base sa mga kwento ni Jersey kanina, galit na galit nga si Amae sa kanya. Kanina pa nya ito tinatawagan kaso jusme, walang sagot!!! Ay naman.

Dahan-dahan syang pumasok sa bahay (buti na lang may spare key sya!) at.. bigla syang kinilabutan sa tumambad sa kanya.

Nagkalat ang pictures ng Lola Paz nya sa bawat madaanan nya paakyat ng second floor. Sa sala, sa dining table.. taas ng stairs.. pati ba naman sa pintuan ng kwarto nila ni Amae meron!!! Hanep mangonsensya tong si Alyssa Mae!

Todo lunok si Keith ng laway nya habang unti-unting binubuksan ang pinto. Baka may armalite na o landmine na nakahanda sa pagpasok nya dun. Mahigpit nyang hinawakan ang portfolio na pinaglalagyan ng design ni Charlize. Mamatay na sya (syempre OA lang) wag lang magusot o mapahamak yung design.

*gulps*

"Aa-mae?"

Nakaupo si Amae sa may kama, nakatalikod sa pinto. Kitang-kita ni Keith na medyo nagitla ang girlfriend sa pagtawag nya sa pangalan nito. Pero hindi ito lumingon.

"Amae.. huy pansinin mo naman ako!"

...

"Babe naman!!!" mabagal na naglakad si Keith palapit sa kama. Umurong naman si Amae.

...

"Amae kausapin mo naman ako! Magpapali-"

"KAY LOLA PAZ KA MAGPALIWANAG!!!!" sigaw ni Amae sa kanya na hindi sya tinitignan. "Di ka na nahiya sa lola mo!!! Alam mo namang ako lang ang gusto nyang pakasalan mo. Tapos.. nyeta ka Keith!! Kausapin mo yang Lola mo! Ayan kausapin mo! Kaya nga kinalat ko yang mga picture nya para matauhan ka! Mangilabot ka naman!!!"

Umupo si Keith sa kama at kinuha ang picture ni Lola Paz na nasa bedside table. "La," panimula nya. "Miss nyo nako? Alam ko, ang pogi ko naman kasi eh!"

"Wag kang pasikat dyan! Magsorry ka kay Lola!!!"

"Ayun nga La.. galit po si Amae sakin. Akala nya naghahanap ako ng ibang babae. Suus la, maniniwala ba kayo dun? Di ba kilala nyo naman ako, ang bait bait ko kaya! Tapos po loyal pa po ako. Tapos gwapo pa.. t-"

"HINDI NATUTUWA SI LOLA PAZ SA HEAVEN SA MGA PINAGSASABI MO ROMERO!!!!"

Pinipigil na lang ni Keith ang tumawa. " Sige na nga la, eto na talaga. Sorry po kung palagi akong wala nung mga nakaraang araw. Busy po kasi ako, pero hindi sa pambababae. La, hindi ko naman kasi magagawa kay Amae yung akala nya. Love na love ko po yang magiging asawa ko la! Inubos ko na yung ipon ko para sa kasal e! Tsaka para na rin dito," sinadya pa nyang ingayan ang pagbukas ng portofolio para macurious si Amae. "La, maganda po ba? Ang hirap ko kaya para makuha yan!! Hinabol-habol ko pa yung Charlize na yun para ma-edit yung design ni Amae. Sabi po kasi nya dati, gusto nya sya yung pipili ng designer, e hirap naman hagilapin nun. La, ang ganda diba? Sabi ko na nga ba e, bagay yan kay Amae. Pag sinuot nya yan, sya na yung pinakamagandang babae sa Pagudpud la! Pinakamaganda at pinakasexy! Kahit dumaan pa dun si Megan Fox walang pake dun! Si Amae lang magiging maganda sa Pagudpud la! Sayang la.. wala ka--" nawala sya sa concentration nya nang marinig nyang humihikbi na si Amae sa may likod nya.

The Despicable Guy Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon