TDG Book 2 - Chapter 59 [Wedding Part 2]

121K 1.6K 349
                                    

TDG Book 2 - Chapter 59 [Wedding Part 2]

PART 2 naaaaaaaaaa! XD

First of all, about the dedications. Sorry po kung hindi ko maaccommodate lahat ng requests nyo. Kaya idededicate ko na lang lahat ang last 2 chapters para sa inyong lahat :)

Eto nga pala ang links for the pictures:

Jersey's wedding gown (gown sketch lang po yan!):http://i46.tinypic.com/359k57k.jpg

Naghanap ako ng picture ng Cassiopeia ring pero walang lumabas. Imaginin nyo na lang.

OKAY.. Alam kong excited na kayo kaya...

HERE WE GO! XD

----

Well here we are again 

I guess it must be fate 

We've tried it on our own 

But deep inside we've known 

We'd be back to set thing straight

Todo ngiti si Kevin nang makita nyang naglalakad si Jersey palapit sa aisle ng simbahan. Marami syang dahilan kung bakit sya nakangiti ng ganyan ngayon. Una, sa choice of song. Pinabayaan nya si Jersey na mag-isip ng sarili nyang entrance march (nung una kasi biniro nya ito. Enter Sandman ng Metallica ang sinuggest nya, para pang Devil Woman ang dating.) at hindi naman sya binigo nito. Peter Cetera's After All. Wow. Bagay na bagay sa kanilang dalawa yung kanta.

Pangalawa, tinupad ni Jersey ang request nyang bagalan ang lakad nito papunta sa altar. Gusto lang nyang irecord sa utak nya yung exact moment na naglalakad si Jersey papunta sa altar, na para pag ikinwento nya sa mga anak at mga apo nya, saktong-sakto. Wala syang makakalimutan. Detailed: ang hiyawan ng mga tao, ang pamamawis ng mga palad nya, ang paulit-ulit na bulong ni Keith ng "Shet dre swerte mo!", ang pag-iyak nina Sath sa mga kinauupuan nila at.. syempre.

Si Jersey na naglalakad papunta sa altar, na nakasuot ng wedding gown na hindi nya inakalang ganun ang design. Shoot, his bride looks more than beautiful. Iniisip nga nya, may hihigit pa ba sa superlatives ng sa English language?

At pangatlo?

Walang hesitation sa mukha ni Jersey.

"About time, too."

**

I still remember when your kiss  

Was so brand new 

Every memory repeats 

Every step I take retreats 

Every journey always 

Brings me back to you

Ganito pala ang feeling nun, sabi ni Jersey sa sarili.

Pag nag-oorganize o umaattend sya ng kasal, palagi nyang iniisip kung ano nga ba ang feeling ng bride habang naglalakad sa aisle. Siguro eto na ang isa sa pinakamasayang moment para sa buhay ng isang babae, lahat ng atensyon ay nasayo. Feel na feel mo na ikaw na ang pinakaswerteng babae sa mundo.

The Despicable Guy Book 2Where stories live. Discover now