Previous Page of 6Next Page

The Despicable Guy Book 2

Dedicated to
To my awesome readers! KAYO NA!
spinner.gif

EPILOGUE

 

Paano mo ba malalaman kung ang taong kasama mo ay panghabang buhay na?

 

Ikaw ba yung tipo na susubukan sa trial and error?

 

O nakadepende ka sa signs?

 

O di naman kaya.. alam nyo yun.. it just hit you. Biglaan ba.

 

Iba't iba tayo ng paraan o diskarte para malaman kung sila na ba talaga ang THE ONE.

 

Sila kaya, anong isasagot nila?

 

--------------

 

ONE YEAR LATER

 

 

KEVIN'S POV

 

Sabi nila may mga panaginip daw na nakakalimutan natin. Siguro nagkaron na kayo ng panaginip na ganito, yung detailed masyado tapos habang tulog kayo sinasabi nyo sa sarili nyo na "Ay ikukwento ko 'to pagkagising ko! Para di ko makalimutan!"

 

Kaso minsan badtrip, nakakalimutan naman natin pagkagising natin. Snippets na lang ang naaalala natin.

 

Pero may mga panaginip naman na kahit anong tagal na, tandang-tanda mo pa rin yung panaginip mo.

As if it really happened.

 

Natatandaan nyo pa ba yung panaginip ko nung college? Yung inakala ni Keith na binabangungot ako?

 

Akala ko hindi na mauulit yun eh.

 

Pero, sorry kayo.

 

Kasi...

 

yung panaginip na yun?

 

Araw-araw kong nararanasan.

 

Yes, I am more than lucky to have that in my life.

 

-

 

Mukha ba akong tanga kung sasabihin kong araw-araw kong gustong bumangon ng late para mas mauna sya sakin na magising? Tapos hahayaan ko syang kulitin ako, hilahin para bumangon.. syempre ako 'tong loko-loko, yayakapin ko sya ng mahigpit para sabay kaming matulog ulit. HAHAHA! Parang tanga lang.

 

Pero may mga umaga na katulad nito.

 

Na akala ko gising na sya, pero yun pala nagtutulug-tulugan din sya. Naghihintayan kami kung sinong unang matitinag saming dalawa. Naku eto ang ayaw ko saming dalawa, parehas matigas ang mga ulo namin, ayaw paawat. Usually one hour kaming ganito. Pero...

 

"Kevin bangon na dyan."

 

One year na kaming kasal pero minsan nagugulat pa rin ako sa pagkashowy ni Jersey. Ewan, siguro sa 10 years naming magkasama, nasanay ako na palagi syang nananapak, naninigaw.. mga ganun! Brutalan ba! Minsan nga pag nasa supermarket kami, biglang yayakapin ako sa likod. Nakakagulat lang talaga!

 

"Ayaw," usual kong sagot. Tumagilid pa ako. "10 minutes.."

 

Umupo sya sa kama, medyo naaasar na ata sakin. Araw-araw ba namang ganito eh!

 

"Kevin.."

 

*poke poke*

 

"Uyy.. gutom nako. Ikaw naman magluto!"

 

*poke poke*

 

Humarap na rin ako sa kanya at medyo binuksan ang mga mata ko. Wala lang, trip ko lang syang titigan. Dati inaaasar-asar ko lang 'to, tapos last month lang, nagcelebrate kami ng one year anniversary namin sa Japan.

 

Ang swerte lang talaga!

 

"Mamaya ka na kumain. Lunch na lang."

 

(=___=) "AYOKO!!!" pinalo nya ko sa hita. "Gumising ka na kasi! Sabi mo magjojogging tayo!"

 

"9:30 na kaya, di na pwede magjogging!" napahikab pa ako. Kainis.

 

"NAKAKAINIS KA!!!"

 

"Alam ko na," umupo na rin ako at hinigit sya palapit sakin. "Wag na jogging. May alam akong ibang exercise."

....

 

*paaaak!*

 

"HINDI KA NA NAPAGOD!!!!! NAKAKAINIS!!!!" pinagpapalo nya ako ng unan.

 

"Ano na namang masama dun sa sinabi ko? Eh exercise naman talaga yun ah? Diba sabi sa SOSC--"

 

Nanlaki na naman mga mata nya. "Wag mo kong sisimula, Mr. Santos. Kauma-umaga sisirain mo araw ko!"

 

"Suuus," asar ko sa kanya.. "Pero pag nandun na, ang saya mo naman."

 

(O/////o) "EWAN KO SA'YO!!!"

 

Inakbayan ko na lang sya, baka kung ano pa gawin sakin nito mamatay pako ng di oras. "Remember, Mrs. Santos, I can always get what I want."

 

"Wow, confident."

 

"Totoo naman diba? See, I got you."

 

*insert Jersey's nandidiri-ako-sayo-face* "Sigurado ka bang di ako napilitan na pakasalan ka?"

Previous Page of 6Next Page

Comments & Reviews (204)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Cast

Aaron Yanas Kevin Santos
Danita Paneras Jersey Santiago
Jiro Wangas Jicker Herrera
Dawn Balagotas Blanche Alonzo
Akanishi Jinas Marlo Chavez

Who's Reading

Recommended