TDG BOOK 2 VALENTINES SPECIAL! ♥

138K 1.4K 173
  • Dedicated kay Para sa may mga kadate ngayong Valentines.. at sa mga naghahanap ng THE ONE mula
                                    

(A/N: Dahil sa Valentines Special 'to, I decided na gawan ng short stories ang couples ng TDG. Sana magustuhan nyo at wag sana kayong tamarin na basahin.. kasi mahaba 'to. Swear :"> HAPPY VALENTINES GUYS! :D )

--

When the rain is blowing in your face 

And the whole world is on your case 

I could offer you a warm embrace 

To make you feel my love

JERRO - SATH

Maraming nagsasabi na hindi nagtatagal ang relationships na nagsimula nung highschool. Ano nga ba naman ang kamalayan ng isang high school student sa pagmamahal? Sabi ng matatanda immature raw ang high school relationships, nagpapadala sa mga nararamdaman mula sa nababasang romance stories, movies at kung anu-ano pa. Magkakaron ka ng boyfriend o girlfriend dahil sa peer pressure. Hindi nagtatagal, umaabot ng 6 months pero puro lokohan lang. In short, good time lang ang high school relationships para sa iba.

Yan din ang akala ni Jerro nung naging sila ni Sath nung 2nd year high school sila nina Jersey. Alam nya na crush ni Sath ang then-bestfriend nyang si Paul nung elementary. Crush din naman kasi ni Paul si Sath non, kaso may pagkatorpe nga lang. Kaso nung Grade 4, nagkagalit sina Sath at Paul dahil sa isang Valentines date gone wrong. Grade 6 na sila nagkaayos, at tinawanan na lang nila yon.

Naging crush ni Jerro si Sath nung naging muse ito nung intrams nila nung first year. Naka-Darna costume kasi si Sath. Napansin ni Jersey na iba ang tingin ni Jerro kay Sath kaya kinulit ito na magpapicture ang dalawa. Namula nang todo si Sath dahil.. may HD (o hidden desire) pala sya kay Jerro. After that day hindi lang ang Golden Couple (Paul & Jersey) ang inaasar sa batch nila, sumama na ang JerSath.

Si Paul pa nga ang nagsuggest na ligawan ni Jerro si Sath, para ayos lang si Jersey pag gumagala sila. Sige, payag naman si Jerro. Tutal crush na rin naman si Sath. Wala naman sigurong mawawala.

Wala ngang mawawala kasi sinagot din naman sya ni Sath after 2 weeks. FIrst nila ang isa't isa.

Katulad din sila ng mga patweetums na high school couples, pacute dito, simpleng PDA doon. Palaging magkadikit kahit saan sila pumunta. Kaso katulad ng ibang couple, nagbreak din sila after 4 months. Kasi hindi raw understanding si Jerro, palaging badminton ang inaatupag. Napuno rin naman sya sa arte ni Sath kaya hindi na niya to binalikan ulit. 2 months after ng break up, JS season nang magkaron ng boyfriend si Sath na 4th year.

Hindi maintindihan ni Jerro pero threatened sya dun sa lalaki. Ang bilis naman kasing magpalit ni Sath! Pero ang disadvantage ng may boyfriend na magcocollege? Summer nakikipagbreak. Pagpasok nila ng 4th year, brokenhearted si Sath habang tuwang-tuwa naman si Jersey kay Paul.

Isang araw, July, umuulan. Walang payong si Sath. Nauna na sina Jersey umalis non. Saktong si Jerro merong payong kaya nakisabay sya dito. Tahimik lang sila habang naglalakad. Medyo lumalayo pa nga si Sath kay Jerro, ayaw niyang dumikit yung balat nya kay Jerro. Baka may kung anong electricity na naman ang bumalik. True enough, may electricity nga syang naramdaman. HInatid sya ni Jerro sa bahay, at sa isang mahinang "Thank you" natapos ang araw na yun.

The Despicable Guy Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon