TDG Book 2 - Chapter 58 [Wedding Part 1]

123K 1.5K 278
  • Dedicated kay Aiza Santos and her boyfriend :">
                                    

TDG Book 2 - Chapter 58 (The Wedding Part 1)

YEP. Part 1!

Ginawa kong 2 parts ang KevJe wedding kasi.. kasi.. wala lang. HAHAH! Joke. Basta, may ifofocus lang ako.

ETO NAAAAAAAAA! ETO NA TALAGAAAA! After this chapter... 2 na lang! XD

COMMENT AND VOTE PAG NAGUSTUHAN. Maraming salamat! :)))

Dedicated kina Aiza Santos at sa kanyang boyfriend. Bakit? Kasi Santiago ang surname ng boyfriend nya. O diba? Santos-Santiago! Feel na feel daw ni teh na sila ikakasal. Shet kinikilig ako! XD

***

APRIL 29

A DAY BEFORE "THE DAY"

"Daddy malapit na ba tayo?"

Naglulupasay na si Ara sa backseat ng sasakyan ni Kevin. Sunday morning, at paakyat sila ng Jamboree sa Los Baños para sa practice ng wedding ceremony. Actually, naka-convoy silang lahat papunta sa National Arts Center. Sa bahay nina Kevin sa Bay, Laguna sila magsstay mamayang gabi.

"Malapit na tayo, Princess. Wait lang."

Papasok pa lang sila ng campus. Nauna na sina Jersey sa NCA kasi sa PCCARD sila dumaan. Eto namang si Kevin, trip atang sa campus dumaan. Grabe lang.

"Daddy.. ayoko po talaga ng gown ko. It's so itchy," reklamo na naman ni Ara.

"Nako.. ilang beses na ba natin napagusapan yan? Pagtiyagaan mo na lang Ara, saglit lang naman yung ceremony."

"Psh. Saglit lang daw. Eh after that may reception pa!"

"Ara.. chill lang. Do this for us, okay? Saglit lang naman yung wedding. Kahit magpalit ka na bago ang reception."

"Talaga! Magpapalit talaga ako right after the wedding!" nakapamewang pa ito.

"Pero ikaw rin," Kevin singsonged. "Ikaw lang ang panget sa pictures. Emo ka dun, ikaw lang ang di nakadress sa girls."

Nakonsensya ata si Ara sa sinabi ni Kevin. "Fine. I'm doing this for the pictures, not for you and Mommy." *pouts*

"Sira ka talagang bata ka."

**

"NASAN NA BA YANG SI JOHN KEVIN!!!! MALILINTIJAN TALAGA SAKIN YON!!!!" nanggagalaiti na si Jersey sa sobrang asar. Kanina lang magkasabay lang ang kotse nila sa may Calamba tapos.. biglang nawala pagdating ng Los Baños! Lakas trip lang!!!

"Je calm down! Tinatakot mo yung guests eh!" bulong ni Jicker sa kaibigan. Napatingin kasi yung flowergirls kay Jersey.

"Paano kakalma? E hindi sinasagot ang tawag ko!!!"

The Despicable Guy Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon