Special Chapter #7

111K 978 125
                                    

12-27-2013

Hindi pa naman siguro late para sa isang Christmas gift, di ba?

I know karamihan sa inyo ay hindi ito alam. Itong chapter na 'to ay kasama sa soft copy na nirelease ko earlier this year (February ata?) so.. baka nga hindi niyo 'to alam. Glimpse lang ng family life ng mga Santos. Sana magustuhan niyo <3

- Leng

xxxx

May ilan sa atin ang gustong magkaroon ng older brother or sister. Iba rin kasi yung may matanda

kang kapatid na pwede mong makaaway o makasundo. For girls, may perks naman ang pagkakaron ng kuya. May magtatanggol sa'yo and at the same time, sila rin ang mang-iinis sa'yo.

Well, hindi naman nalalayo dun sina Atom at Krishna. Kahit 5 years ang gap ng dalawa, masasabing close ang dalawa. Kevin and Jersey made it to a point na magkaron ng bond ang dalawa, after all, sila-sila lang din ang magtutulungan if ever. Nung bata silang dalawa, alagang-alaga ni Atom si Krishna, ni langaw ayaw nitong dumapo sa kapatid. They also went to the same school, hinahatid pa nga ni Atom ang kapatid hanggang sa classroom nito. Achievers ang magkapatid, lalo na si Krishna na nag-skip ng Grade 3. Wala namang competition sa dalawa when it comes to grades, fair naman ang pagtrato ng parents sa kanila (though medyo spoiled ni Kevin si Krishna, only girl eh).

As expected, lumaking kamukha nina Kevin at Jersey ang mga anak nila. Spitting image ng dalawa.

"Kuyaaaa!! Ano ba mamaya na nga yang mga babae mo!!" inis na inis na sabi ni Krishna habang gumagawa siya ng dinner. 1st year high school na siya, habang 4th year ang kuya niya. And just like Kevin.. lapitin ito ng chicks.

Nang hindi pa pumunta si Atom sa kitchen, si Krishna na mismo ang pumunta sa kuya niya sa may garden. She saw him typing busily, siguro may ka-chat. Deeply annoyed, bigla niyang sinara ang laptop ng kuya niya.

"Hey! Anong problema mo?" inis na sabi ni Atom.

"Nabingi ka na ba, Kuya?! Kanina pa kita tinatawag sa loob!!!"

Atom rolled his eyes. "Sorry, hindi ko narinig. What is it?"

"Malamang hindi mo maririnig, busy kang pakipaglandian dyan!"

"What? Ako nakikipaglandian!?" gulat na gulat si Atom. "Pano mo naman nasabi?"

"EH SA MALANDI KA EH!!" she screamed at him. "Kamukha mo nga si Papa pero I didn't know kung saan mo namana yang kalandian mo!" namumula na sa galit si Krishna.

Imbis na mainis lalo, natawa na lang si Atom sa sudden outburst ng kapatid niya. "Grabe.. malandi ako? Hindi ah! I'm just.. friendly."

"WHATEVER KUYA!!" she huffed. "Nagdedeny ka pa dyan! May girlfriend ka na ano? Isusumbong kita kay Mama!"

Nagpatuloy lang sa pagtatalo ang magkapatid habang nag-aayos sila ng table. Usually 7:30pm dumadating ang parents nila galing sa trabaho, at custom na sa Santos household ang sabay-sabay na pagkain.

"Ano, nag-away na naman ba kayo?"

Yan ang unang sinabi ni Jersey nang nakaupo na silang mag-anak sa table. Napansin niya kasing busangot si Krishna, tapos si Atom naman parang nang-iinis na ewan.

The Despicable Guy Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon