CHAPTER 56: RACE FOR A SECOND CHANCE

5.4K 86 1
                                    

CHAPTER 56: RACE FOR A SECOND CHANCE

 

 

KIEN’S POV

 

 

Kanina ko pa talaga napapansin tong dalawang to eh. Simula ng dumating kaming tatlo nanahimik si Cole. Eh habang papasok kami naririnig ko na boses nya tas nung Makita kami or should I say si Jane eh biglang nanahimik. Tsk.

“teka nga!! Magkakilala ba kayo?!”  tanong ko. hindi ko na gusto atmosphere eh.

“HINDI!”  sabay nilang sagot.

Ows?! Kaya pala ang defensive ng datingan.

“ako pa niloko mo Jane? As if you can.” Sabi ko. hindi naman talaga nya ko maloloko. Si Jellie pa pwede pero ako hindi nya ko mapapaandaran.

Nanahimik sya at yumuko.

“spill it.” Sabi ni Jan kay Cole. At parang batang walang nagawa si Cole.

“Psh. Childhood.”  Sagot nya.

Childhood? Anong childhood?

“edi ayusin mo na!” sabi naman ni Jan.

“wala akong kasalanan. Sya yung umalis. Hindi ako.”  sabi lang ni Cole sabay tayo at naglakad palabas ng pinto. Mukhang aalis na sya.

Tiningnan ko si Jane.

“tsk. Pinaliwanag ko naman sa kanya na kailangan ko umalis eh. Pero di nya maintindihan.”  Inis naman sabi ni Jane.

Ano bang meron talaga?! Di ko sila naiintindihan! ><

“So sinasabi mo bang bobo ako?!”  asar na tanong din ni Cole. Narinig nya pa pala.

Tumayo si Jane sa pagkakaupo nya.

“OO! Ang bobo mo kasi di mo maintindihang kailangan ko umalis!” sigaw ni Jane.

“Inintindi kita!” sigaw din ni Cole.

“hindi!” – Jane

Bumuntong hininga si Cole bago nagsalita. “paasa ka lang talaga.”  Malumanay na sabi nya. Naka smirk sya pero yung mata nya ang lungkot.

“Hindi kita pinaasa.”  Malumanay na sagot din ni Jane.

ICE PRINCESS MEETS HER ICE PRINCE (COMPLETED) (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon