CHAPTER 39: MY FIANCÉE IS IN DANGER

7.2K 95 1
                                    

CHAPTER 39: MY FIANCÉE IS IN DANGER

 

 

KIEN’S POV

Pabagsak kong itinapon ang sarili ko sa kama. Im tired. Medyo masakit ang ulo dahil sa pagkakasabunot sakin kanina.

Tsk!

Naulit na naman. Naulit na naman yung paglabas ng isang beast sa loob ko.

From that moment na nakapatay ako ng aso dahil sa pandidilim ng paningin, dahil sa sobrang galit. Sinabi ko sa sarili kong ayoko ng ulit masagad ng ganoon.

Dahil kahit sarili ko, hindi ko alam kung paano kontrolin.

Nawawala ako sa sarili ko sa sobrang galit. Kapag sagad na ako. kahit mismong pagkatao ko hindi ko na kilala.

Sa lahat naman ng mamamana ko sa Lolo ko, bakit etong monster na to pa nakuha ko. Tss.

Kung hindi dumating si Gelay kanina. Hindi ko na alam kung anong nangyari. Malamang kahit si Chase mapagbubuntunan ko. Lasing na ako at talagang nababalutan ako ng galit.

Buti nalang talaga dumating siya. Mabuti nalang.

Kinaumagahan...

*yawn

Inaantok pa ako pero kinailangan kong bumangon dahil sobrang naiihi na ako.

Dumiretso ako sa banyo at pipikit pikit na umiihi.

Babalik sana ako sa kama ng mapatingin ako sa orasan sa side table.

7am na. Kailangan ko na palang magluto. Baka tulog pa siya.

Nag-ayos ako ng sarili at bumaba na.

I was shocked to see Chase wearing apron and cooking. He looks cute on that pink apron.

“ gising ka na pala. Malapit na to. Nagugutom ka na ba?” sabi niya ng mapansing nandoon ako.

Umiiling lang ako bilang sagot.

Kumuha ako ng tubig na malamig at naupo sa isang stool.

“ okay ka na ba?” tanong niya.

Akala ko nakalimutan na niya yung kagabi. Mukhang natakot din sakin ang mokong.

“yeah.” I said and tinungga yun baso ng tubig.

ICE PRINCESS MEETS HER ICE PRINCE (COMPLETED) (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon