CHAPTER 60

6.6K 110 7
                                    

 

CHAPTER 60

 

 

 

~3 YEARS LATER~

CHASE’S POV

 

“Hi, babylove! Kamusta ka ngayon? Sorry ha umalis ako. kailangan ako para sa meeting e. Okay lang naman sayo diba?”

“...”

 

 

 

“Alam mo ba, naclose ko na yung deal na pinapagawa sakin nila Dad at Papa mo. Proud na proud silang lahat sakin. Ikaw ba proud ka din sakin diba?”

 

“...”

 

 

“Babylove, di ka pa naman napapagod diba?”

 

 

“...”

 

 

“Hihintayin kita. Kahit gaano pa katagal. Maghihintay ako.” huling salitang nasabi ko bago tuluyang tumulo ang mga luha mula sa mga mata ko.

Tatlong taon na ang nakalipas simula ng matulog sya. Hanggang ngayon hindi parin sya gumigising. Miss na miss ko na sya. Ramdam na ramdam ko ang “she’s so near, yet so far.” Andito lang sya, pero parang wala sya.

Noong isang taon palang syang tulog, sinabi ng doctor na nasa amin na ang desisyon. They suggested euthanasia. Pero tumutol ako. kaya kong maghintay sa pag gising nya kahit gaano katagal pa. Kinausap na rin ako ng lahat na isuko ko na sya. Pero hindi ko sila pinakinggan, alam kong babalik si babylove. Alam kong babalikan nya ako. dahil nung araw na sinabi ng mga doctor ang tungkol sa euthanasia, ginalaw nya ang hinliliit nya. Dalawang beses nya yung ginawa pero napakatagal ng interval.

Minsan pinanghihinaan na ako ng loob. Pero sa tuwing titingnan ko sya, hindi ko kaya. Hindi ko kayang isuko sya.

Alam ko at ramdam kong gigising sya at babalikan nya ako.

Sa totoo lang, malaki na ang pinagbago nya. Mas lalo syang pumuti o siguro pumutla na ang kulay nya dahil di sya naaarawan, malaki ang ipinayat nya sa loob ng tatlong taon. Humaba na rin ang buhok nya. Pero kahit ganun, maganda parin sya. Siya lang talaga ang babaeng gusto ko at mamahalin ko hanggang sa huli.

ICE PRINCESS MEETS HER ICE PRINCE (COMPLETED) (EDITING)Where stories live. Discover now