CHAPTER 54: MOST PRECIOUS GIFT

7K 108 10
                                    

CHAPTER 54: MOST PRECIOUS GIFT

 

                                                                            

DECEMBER 24, 20**

 

 

CHASE’S POV

 

“Manang asan si Kien?”  tanong ko kay manang na nag aayos ng mga regalo sa ilalim ng Christmas tree namin.

Galing ako sa mall may mga pinamiling para sa surpresa ko mamaya sa kanya.

Sana magustuhan niya! Haha!

“oh! Andyan ka na pala. Andun siya sa kwarto nya. Nagkukulong.” Sagot ni manang.

“po?! Bakit?”

 

“aba’y kanina ka pa hinahanap. Nang hindi makatiis ay nagtanong na sakin. Nung sabihin kung lumabas ka, ayun. Nakasimangot na pumasok sa kwarto at ayaw lumabas.”

 

Eh?! Seryoso? Tss! Haha! Simula ng maging kami officially, unti-unti na nyang napapakita sakin kung ano talaga sya. Yung akala nyong parating seryoso at matured mag-isip na Kien na nakilala nyo. Iba na ngayon. Hahaha! Though oo, matured siya mag isip sa mga seryosong bagay. Pero, malakas po sapak nun at napaka isip bata pala! Haha.

Kahit yung parents nya at mga kapatid nagulat ng malaman at Makita ang ganung ugali sa kanya. Nang dahil daw sa nangyari sa kanya noong mawala si Bryan ay naging malakas at matured na siyang kumilos at tingnan pero sa likod ng lahat ng yon ay isang mahina at napaka-isip batang Kien.

Meron siyang dalawang personality. Ang seryoso at matured na Kien at ang isa ay ang kabaliktaran naman nun.

“ganun po?! Haha! Sige po, kakausapin ko lang. Haha! Mas mukhang mapapadali ang plano natin. Ah... oo nga pala manang, wala ka namang nabanggit diba? Diba po?”  nag- aalala kong tanong kay manang.

ICE PRINCESS MEETS HER ICE PRINCE (COMPLETED) (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon