CHAPTER 35: PATRIK

6.4K 88 2
                                    

CHAPTER 35: PATRIK

THIS CHAPTER IS TO CLEAR UP SOMETHING. Hehehe. Sa part ni Pat.

PATRIK’S POV

“don’t you dare hurt her. I will kill you. Mark my word.” I said seriously.

Im so dead serious about that.

Yung sinabi ni Kev kanina. Totoo yun.

I admit it! I like her. Eversince the first day i saw her.

Nung araw na pinakilala siya samin ni Bryan. Noong araw na yun, nasabi kong unang beses akong nagkagusto. Noong araw na yun, sabi ko nakita ko na yung babaeng hinahanap ko. Pero, noong araw ding yun ay nasaktan ako.

Na love at first sight ako sa babaeng mahal na mahal ng kaibigan ko at mahal na mahal din siya nito.

dahil hindi ko kayang taluhin si Bryan. Pinagmukha ko na lang na parati akong inis at galit kay Kien.

Dinaan ko sa ganun yun pakikisama ko sa kanya para makamove on ako. para mapatay yung nararamdaman ko.

Medyo nakakabading pakinggan yang love at first sight na yan, pero ayun. Nangyari naman sakin. Tss.

Si Kev, best friend ko siya kaya naman hindi ko na natago sa kanya  yung nararamdaman ko noon.

Siya ang labasan ko ng sakit pag hindi ko na kaya.

Sinusungitan at pinapakitang galit ako kay Kien everytime magkakasama kami.

Nung una nagtataka si Bryan kung bakit daw ganun ako. Nagdahilan lang ako at di ko pinahalatang gusto ko rin ang babaeng mahal niya.

Pilit kong inaalis sa puso ko si Kien. Pilit akong umiiwas pero habang tumatagal eh nahuhulog talaga ako sa kanya.

Sa tuwing makikita kong ngumingiti siya kay Bryan. Minsan hinihiling kong sana minsan ako naman ang dahilan ng mga ngiti niyang yon.   

until that day come. Kinuha na niya si Bryan sa amin. We are all broken that time. Pero alam kong walang wala yung sakit na nararamdaman namin sa sakit na nararamdaman ni Kien.

Simula ng mawala si Bryan ay hindi ko na muling nakita pa ang mga ngiti ni Kien.

Sinabi sakin ni Kev noon na siguro oras ko na para iparamdam kay Kien na parati lang akong andito para sa kanya, pero hindi ko ginawa. Dahil pag ginawa ko yun para ko paring tinalo si Bryan. I respect him so much kaya hindi ko na nagawang ipaalam pa kay Kien ang tungkol sa nararamdaman.

At isa pa, umiwas na siya noon samin. Hindi namin siya madalas magkasama. Actually halos hindi na talaga.

Pilit ko siyang kinakalimutan. Oo nakamove on na ako. Pero... alam ko sa sarili kong mayroon parin siyang lugar dito sa puso.

Wala sa isip ko ang ipaalam pa sa kanya ang tungkol dito. Lalo na ngayon na nakaarrange na siya. Alam kong arrange marriage lang yun. Pero kilala na  namin ang Papa ni Kien. Na kahit pa maghimagsik siya ay mangyayari ang gusto niyang mangyari para sa anak.

Tsaka isa pa, alam ko at ramdam ko hindi malayong mahulog din si Kien kay Chase.

Sa ngayon, oo may iba na akong nagugustuhan. Pero concern parin ako kay Kien. Dahil kapag nakikita kong umiiyak yung first love ko. Nasasaktan din ako.

Its sounds gay right? But.. i cant help it. She really is my first love.

Alam yun lahat ng mga kabanda ko. Idinaldal kase ni Kev eh. -.- pero si Kien di niya alam. Nangako silang hindi na sasabihin sa kanya kaya naman hanggang ngayon wala siyang alam.

ICE PRINCESS MEETS HER ICE PRINCE (COMPLETED) (EDITING)Where stories live. Discover now