CHAPTER 18: he's gone

7.5K 146 7
                                    

CHAPTER 18: he’s gone

KIERA GLENNE POV

Kasalukuyan akong nasa bahay ngayon at natutulala sa mga paper works na nasa harapan ko. nag aalala ako para sa bunso namin. Napaka bata niya pa para pagdaanan niya ang mga ganitong sitwasyon.

3 days ago ng malaman kong may sakit si Bryan. Lungkot na lungkot si Kier habang kinukwento sakin ang lahat. AT KAHIT AKO AY NALUNGKOT DIN. He’s like a brother to me and kier.

Nung araw na inilabas ng ospital si Bryan. Umuwi saglit dito sa bahay si Kien at kumuha ng mga gamit niya. Doon na daw muna siya magstay sa bahay nila Bryan.

I didn’t stop her. I know how much she loves Bryan. And ganoon din si Bryan sa kapatid ko.

Hindi kami nagkausap ni Kien ng araw na sumaglit siya dito sa bahay. Pero kitang kita ko sa mukha ang lungkot, sakit, at paghihirap na nararamdaman niya.

Awang awa na ako sa kapatid ko. kitang kita mong stressed na siya sa mga nangyayari but still she managed to smile.

*riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*

KIER CALLING…………..

“hello Kier? Kamusta na si Kien? Ano ng nangyayari?” sunod sunod kong tanong sa kanya. Im so worried. 

Nagpalakad lakad ako sa office ko habang hinihintay ang sagot niya.

(ate………… s-si B-bryan……….) paputol putol na sabi ni Kier. Lalo akong nag worry. Umiiyak ang boses niya.

“w-what happened to him? I-is he okay? S-si Kien??”

Naririnig ko ang paghikbi ni Kier sa kabilang linya.

“Kier please tell me…… what happened?”

(he’s……………. he’s gone ate. Wala na si bryan.)

Napatigil ako sa paglalakad at nanigas. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.  Agad na nag unahang lumabas ang mga luha sa pag patak mula sa mga mata ko.

Hindi ako makapag salita. I heard him hang up the call. Dahan dahan akong napaupo sa sahig.

Malungkot ako... paano na ang kapatid ko? paano na ang gagawin ko? alam kong sobra siyang nasasaktan ngayon.

Umiiyak lang ako hanggang sa mapakalma ko ang sarili ko.

Nakatanggap ako ng text from Kier saying na iuuwi na niya si Kien dito sa bahay.

Agad akong bumaba at tumuloy sa kusina para uminom ng tubig.

Nakita ako ni manang na nakatulala lang sa kawalan.

“iha, okay ka lang ba?? Anong nangyayari? Bakit ka umiiyak? Nag away na naman ba kayo ni Kier?”

 Tanong ni manang na halatang worried.

Umiling ako. At ikuwento ko sa kanya ang dahilan.

Kahit si manaang bigla nalang din naiyak. Inaalala niya din si Kien. Inaalala niya kong paano malalagpasan ni Kien ang sitwasyon na to.

Napaka bata pa ni Kien para sa ganito.

Nasa sala lang kami ni manang. Lakad ako ng lakad dahil di ako mapakali. Habang si manang naman ay nakaupo. Pinatawag ko siya kila Mama para malaman nila mama ang nangyayari.

Nakarinig kami ng tunog ng sasakyan. Yung ang sports car ni Kien na regalo ni Papa.

Napatigil ako ng Makita kong pumasok si Kien ng bahay. Hinang hina ang itsura nya. Parang pagod na pagod. Inaalalayan siya sa braso ni Kier.

ICE PRINCESS MEETS HER ICE PRINCE (COMPLETED) (EDITING)Where stories live. Discover now