BMO 71: dreams

217K 3.4K 195
                                    

dedicated to;

@IMBRIOSGIRL (salamat sa book cover ^^,)

@imhistalker (wala akong masabi, kundi thank you)

@abbyseo

@jennaration

salamat sa pagbabasa!

#UNEDITED..kailangan ko ng matulog,

Chapter 71:

"Good morning love," napatalon ng bahagya si Clem ng maramdaman ang pagyakap ni Jett sa kanyang likod, nakapalupot ang braso nito sa kanyang beywang, habang marahang hina halik halikan ang kanyang pisngi.

"Good morning too," bati nya dito na bahagyang nilingon,

"ang daya mo, pag gising ko sa umaga , wala ka na agad..nakakatakot yun ah, pakiramdam ko wala ka na naman," may himig pagtatampo sa boses nito..Napapailing na lang si Clem sa asal nito. It's almost a month simula ng magkaayos sila ng tuluyan, walang ng hinanakit sa isa't isa, nag kapatawaran at sa bawat araw mas nagiging sweet pa lalo ito sa kanya, di hamak na mas higit sa dati. She knows na bumabawi ito sa mga bagay na hindi nito nagawa noon habang pinagbubuntis nya ang kambal. Remembering those times, alam nya ang pagsisisi sa kaloob looban nito, kaya habang nagiging extra sweet ito sa kanya, bumabawi din ito sa dalawa. He pampered them in anyway that he can, dito nya rin nakikita ang kahabaan ng pasensya ni Jett, kung ihahambing noon? Ewan nga na lang, malamang nagwala na ito. Sa ngayon alam nya kung kalian na ito malapit maubusan ng pasensya, na kapag kinakagat na nito ang ibabang labi habang nakatingin sa kanya with pleading eyes ay nauubos na ang pasensya nito. Nangangailangan na ng saklolo.

And only one kid can do that to him, no other that Ren.

Kaya naman everynight, sa pinagbubuntis nya,he have this small prayer, parang mantra na ni Jett bago matapos ang isang araw,

"Baby, when you grow up, dapat susunod ka sa akin ah, and don't be like your kuya Ren, I love you! Syempre your mommy too,"

Tapos hahalikan nito ang kanyang tummy , then his lips didiretso sa kanyang labi, at alam na ang kasunod, since pinanindigan naman nito na safe daw ang kanilang activity.

Clem argued no more, kasi kahit itanggi ng utak nya, her body always betray her, nahawaan na nga daw sya ng pagiging pervert ni Jett, that which her husband enjoys basta't sa kanya lang daw.

Minsan in the middle of the night, nagising si Clem, to see her husband watching her. When she asked him kung bakit gising pa ito ang sinasagot lang nito,

"Wala ka bang ipapabili, o gustong kainin in the middle of the night?" naguguluhan sya dahil na rin sa antok at sa pagod, samantalang ito, parang hindi man lang nakakaramdam ng ganoon.

"wala naman," sagot nya na ikinasimangot nito," bakit?"

"karamihan sa mga buntis diba ganoon, gigisingin nila ang asawa nila in the middle of the night kasi may gusto silang kainin, yung kanilang pinaglilihihan, some are complicated stuff, pero I'm more than willing to search and give it to you," he said those with full of sincerity na well appreciated naman ni Clem, pero hindi naman sya maselan , wala naman sya particular na gusto, lalo na sa gitna ng gabi, mas gugustuhin nya na lang na matulog, at kung anumang pagcacrave, ipagpapabukas nya na lang.

"I'm fine , matulog ka na, matulog na tayo,"

"hindi nga," his eyes search hers, "paano ka naglihi dati sa dalawa, wala ka bang gustong kaiinin dati, o yung hinahanap hanap mo?"

Remeniscing those, isa lang naman ang malinaw na sagot,

"I controlled it," pauna nya , matapos bumuntunghinga, Jett's eyes begged her to go on, kahit alam nyang baka masaktan ito sa sasabihin nya, pero sa tingin nya hindi sya nito titigilan, hanggat hindi nya yun sasabihin..he's as always persistent.

Blame Me Once Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon