BMO 63:

227K 3.3K 106
                                    

-pasensya sa update na to, may pinaglalabanan lang po kaya puchu puchu lang nasulat ko..

sa mga nagtatanong , meron story ang kambal..

story ni Ran (coming soon) the princess stalker

story ni Ren (coming soon) the law of love

Chapter 63:

Nakuntento lang si Clem habang pinapanood na nag swi-swiming na si Jett, hindi talaga sya nito nakumbinsi maligo, kahit pa nga napilit sya nito na isuot yung swimsuit,pero knowing him, hindi yun susuko hanggat hindi nasusunod ang gusto.Titigil lang yun sandali, mag iisip ng paraan, tapos yun na naman sya mahuhulog sa bitag nito.

Ikinagulat nya rin ang sinabi nito kanina, kung paano nito nakilala si James at bakit alam nito na kinuhan sila ng picture, nagalit nga sya doon maging ang mga bata. Ito rin ang unang pagkakataon na narinig nya na inamin ng mga bata ang tungkol sa kanilang ama sa ibang tao.

Dapat lang din, hindi makarating dito kung ano ang sinabi ng lalakeng iyon sa harap mismo ng mga bata, or else, talagang baka hindi ito tantanan ni Jett. Mas kailangan nyang makausap yung mga bata about that. Hindi pa rin talaga nagbabago si Jett sa ugali nito, and right now imposibleng magbabago pa ito.

Nakaupo lang sya sa cottage na pinagawa nito, ang daming pinahandang pagkain, pero konti lang naman ang nabawas. Kahit masaya ang feeling nya ngayon, iba pa rin kapag nandito ang mga bata kasama nya, kasama nila na mag e-enjoy.

Hiling nya lang na hindi sumakit ang ulo ng kung sino mang nag aalaga sa kambal nya. Sobrang kukulit kasi ng dalawa, at kung talagang wala kang pasensya, maiiyak ka sa kunsumisyon. At dahil anak nya yun, at dahil mahal na mahal nya ang dalawa, marami syang pasensya sa katawan. Napag titiisan nya nga yung original version ng mga ito, kahit gaano pa kasakit yung naranasan nya, doon pa kaya sa dalawa na sa kanya mismo nanggaling? Na sya ang nag luwal?

Pero kahit sana marinig ang boses ng dalawa, gusto nyang gawin, sana payagan sya ni Jett at bumalik na sila agad, sana nagbibiro lang ito, na magtatagal sila sa islang kinaroroonan nila ngayon...

"Naiinggit ka na ba? Nagbago na ba ang isip mo? Sayang naman ang suot mo kung hindi mapapakinabangan," pang iinis nito ng nakangisi, palapit ito sa kanya, habang hinahawi ang buhok, wala itong pang itaas, kaya't malaya nyang napapagmasadan ang Adonis nitong katawan. Kung noon nga na inosente pa sya, nagawa nya itong pag nasaan, what more ngayon, na bukas na ang isipan nya sa gawaing ganoon, at sa tagal ba naman na hindi nya naramdaman ang ganoong klaseng init...

Wala sa sariling napapaypay sya sa sarili...

"Naiinitan ka yata masyado love?" tuya nito na nakakuha na ng upuan sa tabi nya.. kunyari'y inarapan nya ito para maitago ang hiyang nararamdaman, kinuha nya yung tuwalya sa kanyang tabi at inabot dito..

"mag punas ka," utos nya dito,

"Punasan mo ako, mas gusto ko yun," nag pout ito sa kanya, napakunot ang noo ni Clem,

Napakaisip bata talaga..

Naglalaban lang sila ng tingin, pero sa huli, si Clem na rin ang sumuko, dahil hindi sya nito inalisan ng tingin, mga tingin na nakaka conscious at punong puno ng malisya..

Alam nya na noon pa man may kalandian na talaga sa katawan si Jett, she conclude na mas lumala pa talaga ito ngayon..

"Ganyan ka ba sa mga babae mo?" biro nya dito, habang pinupunasan ang basa nitong katawan, mamula mula ang maputi nitong katawan dahil sa sikat ng araw, alam nyang masasaktan sya sa tanong nyang iyon, pero parte ito ng mga tanong na gusto nyang malaman, hindi lantaran, yung tipong pabiro, hindi nya kasi kaya na sya ang mag open ng topic na yun.

Blame Me Once Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon