BMO 16: like the old times

270K 2.8K 103
                                    

Maiikli lang po nito, bangag pa ako hanggang ngayon eh, saka dami iniisip na bagay bagay,,lapit na naman bakasyon, baka makapagconcentrate na yung utak ko nun...

unedited, masanay na kayo, kaya intindihin nyo nalang ang wrong spelling and typos ko..

BMO Sixteen: LIKE THE OLD TIMES

Wala na akong nagawa kung hindi sundin ang utos nya, noong sinubukan ko kasing ibuka ang bibig ko kanina, he gave me a death glare,

Nakakatakot talaga. Para bang utos ng hari, di dapat nababali....

Sya naman nalang kasi ang laging panalo.

Ang hirap makipag convey sa may topak, oo may topak na talaga sya.

Hindi naman nya naririnig eh, nasa isip ko lang naman ito.

Pumasok ako sa kwarto at inumpisahan ipasok sa isang maleta yung mga gamit ko, di ko tuloy mapigilan yung sarili ko na mapangiti, siguro mukha na akong baliw.

Di parin kasi mawala yung sa isip ko na concern na concern talaga sya sa akin, pero I know naman na hindi sa paraang gusto ko.

Kahit paano siguro may parte na sa puso nya na napatawad ang ginawa ko.

Hay,

Nagulat talaga ako ng makita sya na sinalo yung sampal na yun para sa akin, parang bumalik sa dati.

Hay ang kulang na lang eh, bumalik sa dati yung turingan naming na nag aasaran, nagkukulitan...

Tyaga lang Clem, malay mo magising ka nalang isang araw, okay na ang lahat...

Pagkatapos kung ilagay yung ibang gamit ko sa maleta and yung mga gamit ni mama sa bag, lumabas na ako ng kwarto, ni lock ko na yun, nakita ko si Jett na nakatayo s a tabi ng bintana, hinawi nya yung kurtina at nakasilip sa labas, parang maingay..

May away na naman kaya?

"anong problema? Anong nangyayari?" tanong ko palapit sa kanya, hila yung gamit ko..

Tumingin sya sa akin ng nakakunot noo, hayaan na , gwapo pa rin naman.

"yung mga mababait mong kapitbahay, naghahabulan ng kutsilyo," he sarcastically said..

Nakidungaw na rin ako, malay mo nagsisinungaling lang sya, pero pahiya ako doon, totoo nga, ang dami na kasing tao sa labas, starring yung mga nagiiuman kanina..

"Libangan lang nila yan," sabi ko...joke lang yun eh, sino ba naming gagawing libangan yung patayan diba?

"nagiging utak squatter ka na rin, dapat ka na talagang lumayas sa lugar na ito, konti nalang baka isa ka narin sa hinahabol ng kutsilyo,"

Ouch sakit naman nun, utak squatter...

"Alis na tayo?" sabi ko nalang,

"sa tingin mo makakalabas tayo ng lagay na ito, ang daming tao at delikado ang lagay sa labas, gamitin mo nga ang utak mo?!"

Sapul na naman ako doon, tumahimik na lang ako at naupo sa sofa, ganun din ang ginawa nya pagkatapos nyang magbuntunghininga na dinig na dinig ko.

Asar na asar talaga sya, kulang na lang may lumabas na usok sa magkabilang tainga at ilong.

"iyan na ba ang lahat ng gamit mo?" sya ang unang bumasag ng katahimikan, nginuso nya yung mga gamit ko, ilang maleta lang kasi ang dala ko, at saka ala naman talaga akong balak umalis ditto, kaya iwanan ko nalang yung iba, tatawagan ko nalang yung land lady, for the meantime hanggat di pa nakakalabas ng hospital si mommy I will stay with Jett, saka ko na iisipin yung mga dapat nyang malaman kapag nilabas ko na sya doon at tuluyan na syang gumaling.

Blame Me Once Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon