BMO 37: bawiin?

299K 3.7K 395
                                    

dedicated to you WhirlpoolOfWishes .

Chapter 37: BAWIIN?

"Stop it," pigil ni Clem sa anak, bago pa man masipa muli nito ang umuusok na sa galit na si Jett...hinila nya si Ren palapit sa kanya...malayo kay Jett...

Bakit naman kasi , napadpad ito dito, hindi nya talaga inaasahan na sa ganitong paraan magkikita ang mag ama...dito pa sa pinapasukan nya... sa sitwasyon pang kagaya nito, na nagiging overprotective ang kanyang makulit na anak, against sa mismong daddy pa nito...

Sa bagay hindi naman nga nila alam ang katotohanan...

"Tama na Ren," hindi pa rin kasi naalis ang pagkakasalubong ng kilay nito...parang yung itsura lang ng lalakeng nasa harap nila...na alam nyang nakatitig sa kanilang dalawa...

"pero honey, sinasaktan ka nya..saka HINAHAWAKAN NYA YUNG BRASO MO!!!" pagmamaktol pa nito..nagpapadyak pa..

Dati natatawa sya sa ganitong sitwasyon, pero hindi nya magawa ngayon, dahil kakaibang kaba ang nararamdaman nya...ayaw nyang may marealize si Jett..takot syang magtanong si Jett...takot syang may matuklasan si Jett...

"Hoy batang O.A! mukha ba akong may sakit at ganyan ka maka react!Nakakapikon ka na ha!" gustong lusawin ni Clem sa papapagitan ng kanyang matatalim na titig si Jett... hindi pa rin pala ito nagbabago...isip bata pa rin at pikon, para lang din yung batang inaawat nya...na mas napikon din sa sinabi nito...

Sumasakit ang ulo nya, kailangan nya ng pag layuin ang dalawa, dahil nakakaagaw na rin sila ng atensyon...

"Ayoko sayo, ayoko sa katulad mo! Kamukha mo si Majin Buu!" sigaw pa nito sa kanya...

"aba't sobra ka!" pikon na pikon na talaga si Jett, gustong gusto nya ng hilahin ang tainga ng batang ito...na nakayakap pa sa beywang ni Clem...habang nagpupuyos sa galit na nakatitig sa kanya...

"pwede ba, wag mo na nga syang patulan, bata lang ito kumpara sa edad mo,"pagtatanggol ni Clem, para sa kanya, walang ginagawang masama si Ren, pinagtatanggol lang sya nito...

Nakakatawa lang, dahil sa panahon ngayon ang anak nya pa ang syang nagtatanggol sa kanya, at this time sa sarili mismo nitong ama, na dating nanakit sa kanya...

Dumating si Andres, upang tanungin kung anong nangyayari, umiling si Clem, alam na, makailang beses na rin kasi na gumagawa ng eksena si Ren, kapag may nakitang lalakeng kasama ang honey nya...napapatawa na lang ang security guard, alam naman kasi nya na mabait naman talaga ang bata, mag pagka possessive nga lang at daig pa ang general kung magbantay... hindi rin lingid kay Andres na importanteng tao ang kaaway ng makulit na bata ngayon, hindi lang ordinaryong tao... kundi mahalaga sa kanilang kumpanya... baka kung magalit ito, manganganib ang kanilang kumpanya.. at hindi iyon, magugustuhan ng kanilang boss.. baka lahat sila mawalan...

"let's go," yaya ni Clem, pero di pa rin inaalis ang pagkakakapit sa kanyang beywang...

"mabuti pa nga honey, wag ka na ulit makikipag usap sa mamang yan na kamukha ni Majin Buu, kung hindi ipapapulis ko yan...itatanong ko sa kapit bahay nating pulis kung anong pwedeng kaso sa kanya para makulong.." dagdag pa nito, bago pa ito tumalikod sa kanya, dinilaan pa nito si Jett...meron nag silang kapit-bahay na pulis na minsan pinagatanungan nito ng kung ano ano, parang reporter lang kung makapag interview, sya na nga ang humihingi ng pasensya sa kakulitan ng anak...okey lang naman daw dito, at natutuwa pa nga sa kabibohan ng kanyang si Ren..

Blame Me Once Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon