BMO 13: serve only me

267K 3.1K 127
                                    


He's eighteen yes, pero hindi ba alam ni Jett na kailangan pa rin ng consent mula sa abuelo nito? Consent na hindi nito ibibigay kaya nga pinaghiwalay ang dalawa, o baka naman may iba itong balak na nasira ko agad.

Siguro hati ang opinion ng lahat sa ginawa ko, anak lang naman ako, na ayaw mawalan ng ina, and that time that was the only way, I was hoping din na kahit na anong gawin ko Jett will forgive me, I mean may pinag samanahan din naman kami, he's always with me. Alam niya kung gaano kaimportante sa akin si mommy.

"You're selfish you know that," nakatayo pa rin sya sa harapan ko, inuusig ang aking kunsensya, wala na. Nagawa ko na, wala na rin, wala na rin naman sya, pero sana wag nya na ako gaanong sisihin.

"Wala akong choice kung hindi sabihin sa lolo mo ang totoo, aminin ko man o hindi, malaki ang magagawa nya that time, hindi na ako nag isip pa," I said sincerely looking at his eyes, I'm also stuttering, bahala na, all I want is that he listen to me.

Tumawa sya ng mapakla.

Nakakapanibago, first time nya akong pakitunguhan ng ganito...

Parang ang laki na talaga ng distansya namin sa isa't isa.

Distansya na ako siyang may gawa,

Sa mga pinapakita nya sa akin, mas lalong nadudurog ang puso ko, kaya ko pang tanggapin dati ang makita sila ni Amanda na naglalambingan at nagtatawanan, ayoko syang makita na ganito.

Miserable, dahil doble noon ang naidudulot nitong sakit sa puso ko.

Mahal ko sya, if only I can say that out loud.

If only I am allowed to say it.

"Right Clem hindi ka na nga nag isip pa, hindi mo na ako inisip pa. Hindi mo inisip kung ano ang kayang gawin ni lolo kay Amanda!"

"I'm sorry," I said looking down,

Ayokong umiyak.

Ayokong laong maging mahina...

"At alam mo ba ang lalong nakakagalit, ? Ipinagtanggol pa naman kita sa kanya, na hindi mo yun magagawa. You can't betray me, but you did!"

"I'm sorry, I know I was wrong, if only I could turn back the time, hindi ko gagawin iyon."

"hindi nga ba talaga?" Disbelief written in his eyes.

Itinanong ko rin bigla sa sarili ko, hindi nga ba talaga?

May part nga ba talaga sa puso ko ang gustong ibuko sila?

Did I wish for them to separate?

Umabot na ba ako sa ganoon ka selfish na estado?

"Bakit hindi ka makapagsalita? Kasi totoo? Kasi you really want us to break up? Kasi ang totoo you really wanted me? Kasi ang totoo you wanted my money, kasi ang totoo ikaw ang talagang manggagamit at hindi si Amanda!" he shouted all those words.

Shit ang sakit mapagbintangan!

Mabilis ng nagsitulo ang aking mga luha, di na rin ako makapagsalita, I'm too stiff to even response di na rin nagfufunction ang utak ko.

How could he said all those words na parang balewala lang ang pinagsamahan namin?

Oo mahal ko talaga sya, mahal na mahal. Pero hindi sumagi sa isip ko ang minsan gamitin sya , kung ang panlilibre nya sa akin ang maituturing nyang ganun, hindi na sana ako nagpalibre.

"Ikaw ba talaga yan ha Jett?" tumigil naman sya when I asked him that." kasi hindi na talaga kita kilala, you changed a lot because of her."

Sandali syang hindi umimik.

Blame Me Once Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon