BMO 50: meeting

243K 3.1K 146
                                    

dedicated kay milarz24. thanx..

UNEDITED/ 50 chapter na ko!amazing hehehe..

"hindi pa ba tayo aalis, naiinip na kami..." napalingon si Jett sa pinanggalingan ng boses, sa loob ng kotse, nakaupo na sa back seat si sungit at si kulit na nakalabas sa bintana ang ulo habang tinatawag sya..

Lokong bata. takot naman sa ina.

kaya ang labas 3:30 na sila nakaalis.. tiyak 4pm na ang dating nila sa alas 2 na party, yun ay kung di matrafic.

Chapter 50: meeting

Habang nagdidrive , pasulyap sulyap si Jett sa kanyang kambal na nakaupo sa backseat, nagbubulungan ang mga ito, maaring pinag uusapan yung kalokohan na ginawa ni Ren sa kanya.

Napapailing na lang sya at napapangiti na ngayon, aaminin nya nainis sya kanina, bago kasi sa kanya ang ganoon, ang niloloko o binibiro, sanay kasi sya na isang sabi nya lang nasusunod. O kahit di pa nga sya nag uutos, ginagawa na ang gusto nya.... Pero ngayon, ramdam na ramdam nyo, dumating na yung karma nya, ganito pala ang pakiramdam ng laging napapasunod.

Nagpatawag pa yung assistant nya ng tao, para iuwi yung mga kotse, nagtataka pa nga si nay nay Espie, kung bakit madami daw sasakyan sa labas ng bahay nila. Nanay na rin yung tawag nya dito. Hindi naman nya sinumbong si Ren, hinuhuli nya yung mata nito sa iba na nakatingin, sa huli sinabi nya na lang na , namimili sya ng gustong sakyan na kotse.. na nauwi nga sa red.

Kita sa mga mata nito na hinid kumbinsido sa sinagot nya, kasi maging ito hinahabol ang mata ni kulit na nakikipagkarerahan sa malayong lugar... malayo na ang narrating ng mga cute nitong mata sa kakaiwas.

Iniiwasan nyang isipin ang date kuno nina Warren at Clem, baka di say makapagconcentrate sa pag dadrive, ang tactic kasi na naisip nya ay pagkumbinsi sa mga bata sa umaga, tapos sa gabi kay Clem, mas maganda nga naman sa gabi, maraming nangyayari sa gabi lalo na pag maliwanag ang buwan..

Napapangiti sya sa kalokohang naiisip...

"tsk, tumatawa mag isa," mahina lang yun, pero hindi naman sya bingi para hindi marinig, sino pa ba ang may lakas ng loob na basagin ang trip nya sa pag imagine ng kabulastugan sa nanay nila?

"may naalala lang ako," sagot naman nya dito, at least kinakausap sya , kunswelo, mukha talaga syang driver ng dalawa, kung hindi lang ang gwapo nya sa kanyang suot ... hindi na sya nagsama ng driver sa kagustuhan nya ngang masolo ang dalawa...

"bakit hindi pala pumapasok si princess sa school?" naisipan nyang itanong, nag aaral kasi si Ren, samantalang nasa bahay lang si Ran,

Nagtinginan ang dalawa, "bakit may sakit ka pa rin ba princess?" nag aalala nyang tanong dito, tumingin sya sa salamin, para makita ng itsura nito...

"may baliw kasi sa school kaya di sya pumapasok," si Ren ang sumagot na nakatulis pa ang nguso...

"baliw?" nagtataka nyang tanong, sino yung baliw nay un at dahilan kung bakit di pumapasok sa school ang prinsesa nya, dapat alam nya yun, para maipakulong, o madala sa mental

"totoo bay un Ran?" tanong nya dito.

"pinagbibigyan ko lang si Ren, pag nasa isang room kami, number two lang sya lagi dahil mas matalino ako sa kanya,": seryosong sagot ni Ran na umani ng protesta sa katabi...

Dinidigest pa ni Jett ang sinabi nito, mas matalino daw ito sa kapatid, ang dami nyang tawa doon na ikinasama din ng loob ni Ren kasi pinagtatawanan sya..

Pero ang mas kinatutuwa ni Jett, yun ang pinakamahabang sagot ni Ran sa kanya. Twenty one words, not bad...

Magandang idea talaga ang isama nya ito.

Blame Me Once Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon