BMO 7 : busted!

253K 2.8K 63
                                    

5/30/2021  

...

Kahit pa nagkasira sila ni Jett ng dahil kay Amanda , di sumagi sa isip nya na ibuko ito sa lolo nito, kahit tutol sya sa idea na ginagamit lang ng huli ang kanyang bestfriend, isang pagdududa na napatunayan nya ngayon base sa mga documents and credit card statements na ibinigay sa kanya ng lolo ni Jett,  however ayaw nya parin masira ang happiness ng kaibigan kahit na nga nabubulagan ito sa pag ibig.

"I have no idea sir," she answered looking down, she have no choice but to look down she's afraid that he will discover her lies.

Tahimik lang ito sa una maya- maya tumawa ng pagak.

"I know Clayanne that you can't lie," sabi pa nito. Slowly she look up and meet the old man's stare, nakipagtitigan sya dito, wari'y binabasa nito ang sagot sa kanyang mga mata,

She has to deal with it, para kay Jett, though she's not sure kung tama nga pa rin ba talaga ang pagtakpan ang kaibigan.

"I have no idea sir."

Nawala ang mga ngiti sa labi nito, naging mas seryoso,

Mas nakakatakot.

Takot talaga sya dito mula noon, lalo na ngayon.

Di nya kasi alam kung kailan ito sincere at kung kailan or kung talagang may kabaitan talaga ito sa katawan. Bukod kasi sa pagtulong nito sa kanya at sa kanyang mommy , wala na syang ibang alam na natutulungan nito. Wala nga syang alam na organization or orphanage na tinutulungan nito o sadyang hindi lamang siya aware.

Basta busy lamang ito sa pagpapayaman.

"Ayaw mo bang maoperahan as soon as possible ang iyong mommy?"

Katahimikan,  hindi sya makasagot, syempre gusto nya, pero ayaw nya nang hinihingi nitong kapalit, magagalit sa kanya si Jett, big time at magiging malabo na magkaayos sila.

Once kasi na malaman nito ang tungkol kay Amanda,  tapos ang carreer nito, sisirain nito si Amanda  hanggang sa di na makabawi muli. That's how cruel he is base on his records.

Sumandal ito sa kanyang swivel chair, at tinanggal ang salamin sa mata saka ibinaba sa mesa, he massage his nape, indication that he is slowly losing his patience,

Ang isang businessman na powerful na kagaya nito ay hindi sanay na namimilit, isang salita nya lang alam na nya agad ang totoo.

Or minsan, kahit di sya nagsasalita, mga tao na sa paligid nito ang nagrereport ng totoo.

Ang pinagtataka ni Clem ay kung bakit hindi si Jett mismo ang tanungin nito or bakit hindi gamitin ang connections para malaman ang totoo.

"Nagtataka ka siguro kung bakit hindi na lang ang aking pasaway na apo ang tanungin ko. " Napatango na lamang sya. He's a business man indeed alam nya ang iniisip ng tao sa harap nya.

Parang mind reader lang.

"kahit pigain ko pa ang apo kong iyon, hindi sya aamin, at yung mga tauhan ko, malamang nasuhulan nya, marunong na syang mangbribe sa kanyang mga future people," tumawa ulit ito,  tawang may kakaibang laman hangang sa maging  seryoso muling napatingin sa kanya.

"And why did I choose you? I have two reasons the other one is obvious dahil ikaw ang bestfriend nya and you knew almost everything about him," he pause after that," and another one because telling me the truth will benefit you and your mother, isipin mo na lang na ito na yung kabayaran ng mga naitulong ko sa iyo,"

He emphasizes the last part, ganito   talaga, lahat may kapalit.

Di nya lang iniiexpect na ganito ito  kaaga maningil.

"Alam mo  naman na sa panahon ngayon wala ng libre right?"

"I know sir, but I intend to pay you back the amount with interest in the future but not like this." sumamo nya.

"I know that Clayanne, but can your silence save your mother? Hindi ka ba naawa habang iniinda nya yung sakit nya? Di mo ba naiisip ang panganib na hinaharap nya kapag lalong napapatagal ang operation ?"

He is right, habang tumatagal sya sa paghahanap ng pera mas lumalala ang sakit ng kanyang mommy.

"I know na mahal na mahal mo sya at hindi mo sya matitiis." he added.

Mataman syang nagiisip, ang kapalit ng pagsasabi ng totoo, nang  friendship nila ni Jett ay buhay ng mommy nya, anong gagawin nya?

"Okay, I will not destroy her much if you tell me her name now. "tumingin sya ulit sa naghahamong mata nito. She knows mapapahamak lalo si Amanda and Jett kapag ito mismo ang nakatuklas.

"Tell me her name Clayanne,."

Huminga muna sya ng malalim,

Para kay mommy, I'm so sorry Jett!

Sabi nya sa kanyang isip,

"Her name is Amanda Barrameda, teacher po sa university. "sagot nyang sapat lamang na marinig nito, it breaks her heart to tell the truth knowing that it will break Jett's.

"Teacherr? Meaning she's older than my apo?!" buong pagdisgustong sabi nito, napakuyom din ang palad , sa galit, may pinindot ito at maya-maya rin pumasok na ang kanang kamay nito.

"you can go now, and  your mother will be schedule for an operation tomorrow." inutos nito sa assistant ang detalye, umalis syang bagsak ang balikat.

Alam nyang lalong magagalit si Jett pero nagawa nyang pagtaksilan ito para sa kanyang mommy.

Unti-unti nang tumutulo ang luha nya as she headed out, kailangan nyang puntahan ang mommy nya, para kumuha nang lakas dito.

...........................................................................................................

Nagulat si Amanda nang biglaan syang ipatawag ng school president, babaeng mataray pa naman ito at ilap sya dito.

"Yes mam?" kinakabahan sya the way she look at her from head to toe, with disgust, tapos napailing- iling pa.

"Tatapatin na kita Ms. Barrameda, it's either you hand in  your resignation or tatanggalin ka namin."

"Po?" tila nabibingi siya sa kanyang narinig.

"Yes you've heard me right."

"Bakit po, wala po akong ginagawang masama." Sumamo nya, tumawa naman ito sa sagot na narinig.  Sa loob niya ay iritang irita na siya sa pinapakitang pandidiri nito sa kanya. 

"Wala nga ba talaga Ms. Barrameda?" Nang -uuyam na tanong nito.

"What do you mean?"

"Okay since in denial ka pa rin, sa akin na manggagaling. How can you explain your forbidden relationship with one of the student name Jett Aiden Romualdez?" 

Kinompose niya ang kanyang sarili, agad niyang pinabulaanan ang akusasyon nito.

"Hindi po yan totoo, wala pong katotohanan ng ibinibintang nyo sa akin," tanggi nya, she can't afford to lose her job, masisira ang kanyang carreer na pinaghirapan niyang makamit.

Bakit nakalabas 'to? Akala ko ba ginagawa ni Jett ang lahat para di mabunyag ang relasyon namin?

Di pa kami kasal, wala pa akong pinanghahawakan.

I can't lose this job!

"Sa lolo na mismo ni Mr. Romualdez nanggaling ang balita, sya pa na isa sa malaking sponsor ng school? He demand for your immediate disappearance or else ang kanyang support ang magiging kapalit and as you know we can't let that happen Ms. Barrameda."

"Lolo nya?"

Wala nang nagawa si Amanda, namumutla syang lumabas sa office nito at nagtungo sa kanyang table, nanginginig pa rin sya hanggang sa maka upo.

Disappointed.

Di pa ako nangangalahati sa plano ko, di ko ineexpect na magsusumbong si Clem, malaki ang takot at pagkatanga nya kay Jett kaya bakit nya kami sinumbong.

Pero sana di ako nagpabaya.

I need to contact Jett para gawan nya ito ng paraan!


Blame Me Once Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon