PASASALAMAT!!!

132K 2.1K 140
                                    

Pasasalamat!

Sa dinami-dami ng nangyari sa akin sa loob ng halos isang taon dito sa wattpad, akala ko lang talaga stress reliever ko lang ito. Saka ko lang namalayan na ang wattpad pala ang aking mini-national bookstore. Dati palihim akong nagbabasa sa likod ng bookshelf ng NBS dahil wala pa akong pera. Sabi nga ng mga friends ko ang buhay ko ay bahay-School-NBS, paulit-ulit lang. Sabi nila hopeless romantic ako I can’t deny the fact na OO hopeless romantic nga ako. Sino ba ang hindi? Tayong lahat aminin man natin o hindi hopeless romantic tayo. Kasalanan iyan ng mga fairytales na nababasa natin sa story books at mga napapanood natin sa mga tv shows at movies. Pero aminin din natin lihim tayong nagdarasal n asana dumating ang prince charming natin and swept our feet from the floor and treat like a princess.

Be the heroine in the pocketbooks we read and be loved tenderly by the hero in the story. Na kahit na sa simula ng libro eh isumpa na natin ang bidang babae o kaya naman ay lalaki pero sa bandang huli mamahalin natin sila. Ganyan tayo eh.

            Ang wattpad din ang nagsilbing training ground ko sa pagsusulat, alam ko maraming typo and grammar errors, post lang kasi ako ng post at saka si mareng Microsoft word hindi na kinocorrect, nasanay na sa tagalog. Nasanay pa naman ako sa auto-correct. Hindi ko na ini-edit ang mga iyan dahil sa kung hindi ako tinatamad, ay tinatamad lang talaga ako at ako ay tamad o kaya naman ay sobrang busy ko na rin. Sorry talaga sa mga iyan but don’t worry i-edit ko na rin ang mga iyan.

            I’ll try to re-read Book 1 and edit it too. Hindi dahil mapapublish na siya ha, isa pa lang po ang book na ipapublish under LIB at iyon ay ang Racing with Cupid ko. Hindi ko alam kung kailan basta ang alam ko malapit na kasi naman natanggap ko na ang paycheck. Ahehehehehe… na-i-save ko na ang check ko. Sabi ng mga friendships ko libre daw, eh… nanghihinayang akong gastahin kay i-add ko nalang siya sa savings ko. Kuripot daw ako, slight lang naman. Mas gusto ko ang may savings for emergency. Hindi ako kuripot sa books at sa PAGKAIN.

            Iyon nga masaya ako na natutulungan niyo akong gumaling sa craft ko, I really appreciate your critics. I don’t mind kung bad or good critics man siya, hindi kasi ako ang tipo ng taong madaling magalit. Iyan siguro ang masasabi kong pinakamagandang trait ko, matagal akong magalit at hindi ako madaling ma-offend. Kung maooffend man ako siguro iyong personalan na talaga at sinasali na ang family and friends ko. Hindi naman ako mabait, sabi nga nila masungit ako at hindi namamansin. Mahiyain lang talaga ako sa personal at dahil ako ay pandak at hindi umabot sa five flat kaya palagi akong nakayuko so kailangan talagang itulak pa ako bago ako magsalita ng mahaba.

            Sa personal hindi ako ang talker, I am the listener. I only talks when you need my opinion regarding their problems and pieces of advice. Sabi nila may kakayahan daw akong mag-advice, hindi ako magaling may kakayahan lang. Salamat sa mga nababasa kong stories at mga books.

            Akalain niyo iyon, iyong mga stories ko dati na hindi umabot sa 1k ang reads ngayon ay around 100k na, marami na ring votes and comments. At hindi lang iyon, marami akong namemeet na mga tao na naging friends ko sa fb.

            Sa mga susunod na stories, walang changes kahit na may mapapublish na akong book. Hindi ako magbabago, you can still send me personal messages at kahit matagal akong magreply ay nagrereply talaga ako. You can ask me things and I’ll answer you. May iba pa akong hindi pa narereplayan, promise I’ll do. Everyday pa rin ang update ko maliban nalang kung kailangan kong mag-out of town at walang signal pero pagsasabihan ko kayo in advance.

            Masaya ako, sobrang saya ko. Kung alam niyo lang. THANKS FOR LETTING ME EXPRESS MYSELF AND FOR LETTING ME GROW AS A WRITER.

Royale Series 9: Loved By You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon