Chapter Ten-A

153K 2.4K 119
                                    

Chapter Ten-A

            “Saan niyo ako dadalhin?” kinakabahan siya sa mga kinikilos ng mga kaibigan niya na pumunta lang sa bahay ng kanyang kuya maliban kay Hyjea of course na naghintay lang sa kung saan tapos ay piniringan ang kanyang mga mata.

            “Surprise nga sabi bakit ba hindi mo maintindihan ang surprise?” naiinis na tanong ni Olie sa kanya.


            “Bakit ka naiinis? Aba buntis ako ha.” She is already seven months pregnant mag-eeight na nga eh. Kinakabahan na siya dahil dalawang buwan mula ngayon ay manganganak na siya hindi kasi niya alam kung ano ang gagawin niya.


            “Kainis ka kasi ang haba ng hair mo putulan nalang natin.”

   

         “Olie tama na iyan.”


            “Ano ba talaga ang mangyayari?” takang tanong niya.


            “Just making you happy baby girl.” She Ran iyan. Pero mas kinakabahan siya sa mangyayari ngayon ang lakas-lakas ng tibok ng puso niya. “We are here.” Iginiya siya ng mga kasama sa hindi niya alam kung saan and then she heard a soft music from a piano and violin. Tinanggal ang takip sa kanyang mga mata at ilang beses na kumurap siya upang sanayin ang mga mata sa madilim na lugar na iyon. Hindi naman masyadong madilim dahil may mga candles na nakailaw sa loob ng restaurant. Sa Royale ba sila?


            “Baby boy saan tay- huh?” nawala na ang mga ito at ang pagtingin niya sa harap niya ay si Rechmond ang nakita niya. “Rech ano ang ibig sabihin nito?” naguguluhan niyang tanong. Darn! He looks so dashing with his three piece suit and the place is so romantic.


            “Can I invite you for dinner Samantha?” napalunok siya ng ngumiti ito sa kanya. Si Rech ba talaga itong kaharap niya? Hindi ba siya naguguluhan o kaya naman ay namamalikmata? Pinisil niya ang pisngi nito. “Aw!”


            “Totoo ka?”


            He chuckled. “Yes, I am real.” Tinanggap na niya ang palad nito dahil feeling niya ay matutumba na siya sa lakas ng tibok ng puso niya. And the moment their hands touch she felt those lovely tingles that she felt before. “Let’s eat first.” Inalalayan siya nito papunta sa isang table na may nakahaing masarap na pagkain.


            “Bakit mo ginagawa ang mga ito? Paano mo napapayag si Chrome?”


            “Too many questions sweet, I’ll answer that one by one pero kumain muna tayo.” He pulled her a chair and gentle pushed it back when she is seated. He made it sure that she is comfortable on her seat. Napatingin siya sa buong paligid.


            “Ang ganda.”


            It’s her first time really, unang pagkakataon na may gumawa nito sa kanya kahit naman kasi na boyfriend sila ni Ran dati ay hindi ito gumawa ng mga ganitong bagay. Yes, her ex-boyfriend is sweet and gentleman but not romantic. And she found Rechmond romantic parang walang-wala ito sa Rechmond na nakilala niya dati.


            “I’m glad you like it.”


            “Are you kidding? I love it! This is my first time to have like this parang sa movies  lang iyong parang romantic date lang.”


            He chuckled. “Hindi ito parang this is really our first date together. Well, you ranaway when I invite you for lunchdate so right now hindi ka na tatakbo.”



Royale Series 9: Loved By You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon