Chapter Ten-C (spg)

187K 2.5K 153
                                    

Chapter Ten-C

            “RECHMOND, ano ba tumayo ka nga nakakahiya ka.” Pilit niya itong pinatayo mula sa pagkakaluhod.

           “No! Wala akong pakialam kung nakakahiya man ang ginagawa mo hindi ako aalis dito hangga’t hindi ka sasama sa akin.” Ang tigas ng ulo. Napatingin siya sa babaeng nasa likod nito ngayon and apologetically smiled. Tumango lang ito kahit na natatawa ito sa nasaksihan.

            “Baliw ka ba? Hindi ko kasal ito ano ba? Iniistorbo mo ang kasal ni Edward at ni Kyla.” Turo niya sa bride na natatawa na sa likod ni Rech, kunot-noong napatingin naman si Rech sa kanya and then look at the person behind him.

            “You? Not your wedding?”

            Umiling siya. “This is not my wedding, maid-of-honor lang ako dito kaya tumayo ka na at ng masimulan na ang kasal. Ikaw talaga hindi ka marunong tumiming ng pagtatapat mo.” Reklamo niya while hiding a small smile on her lips. Tumayo na ito at maang na napatingin sa buong paligid and saw him reddened due to embarrassment. Hinila niya ito at pina-upo sa tabi ni Chrome na may dala ng anak nila. Agad namang ibinigay ni Chrome si Qianna sa ama nito na mabilis namang kinarga ni Rech at pinugpog ng halik halata bang mahal na mahal nito ang anak nila. Tumingin siya kay Edward na noon ay nakangiti sa kanya now everything is falling into pieces, just some more puzzles.

            Mabilis na natapos ang kasal nina Kyla at Edward kahit na medyo nadelay. May nag-gate crash eh, sa totoo lang as in real talk ano ba ang dapat niyang gawin at sabihin ngayon? Mahal daw siya Rechmond ano ang gagawin niya ngayon?

            “Ako na muna ang mag-aalaga sa baby niyo pero may bayad ang pagiging nanny ko.” Singit ni Chrome paano ba naman kasi napakaakward ng nangyayari sa pagitan nila. “Ibabalik ko sa inyo ang anak niyo kapag okay na kayong dalawa. Sus, kayong dalawa para kayong mga teenagers samantalang ang tatanda niyo na.” sita nito sa kanilang dalawa, nagkatinginan uli sila at tapos ay namumulang nagbawi ng tingin. Narinig niya ang malakas na buntong-hininga ni Chrome. “Hyjea, dito ka nga tulungan mo akong magbantay kay Qianna magki-kiss and make-up pa ang dalawang ito eh.”

            NANDITO na siya sa loob ng kanyang maliit na cottage, ilang oras na rin sila doon and none of them starts to open a conversation. Kung nag-uusap naman sila ay kapag itatanong lang niya kung gusto ba nito ng maiinom o kaya naman ay makakain. Ang sagot naman nito ay pawang ‘yes’ or ‘no’ o kaya naman ay ‘later’.

            “Maybe I should call Chrome and bring Qianna here.”  Untag niya dito wala din naman kasing mangyayari kung silang dalawa lang. Pumasok siya sa kanyang silid at kukunin sana ang cellphone ng  bigla siya nitong hawakan. Pinihit siya nito paharap at napakurap siya ng dumampi ang mga labi nito sa kanyang mga labi.

Royale Series 9: Loved By You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon