Extra 2: How he fell?

193K 2.7K 126
                                    

Extra 2: How he fell?

            KANINA pa nakakunot ang noo niya sa babaeng naka-upo sa upuan na nasa likod niya. Kung sinu-sino ang ka-date at hindi lang iyon inaayawan nito ang mga pobreng lalaking iyon with some nonsense reasons. AYaw sa mayaman tapos ayaw sa mahirap. Binilisan niya ang pagkain at ng makaalis na baka may marinig na naman siyang ibang rason. After he paid his bill ay tumayo na siya but he dropped his keys. Pinulot niya ang key at muntik ng mapamura ng may kung anong pulang sinulid na bumuhol sa kanyang mga daliri. Pilit niyang tinanggal iyon pero nasasaktan lang siya and someone is pulling it making it harder for him to untie the stupid red string tied on his pinky finger. Tiningnan niya ang humihila, it’s the lady sitting behind him.

            “Damn it! It hurts stop pulling it lady.” A growl escaped from his throat tiningnan naman siya nito and was surprised to notice his reaction. The woman is surprised to see him too, napatitig siya dito. Napamaang siya at napatitig dito, she is beautiful too beautiful. Her big brown eyes is like melting his inner demon, her cute nose matches well with her thin pink lips that is slightly parted. Her cheeks were slightly flushed and… napalunok siya as he took a glimpse of this lovely woman’s body.

            Pasimpleng ipinilig niya ang ulo upang pawiin ang naiisip niyang kademonyohan. Shit! How can someone looks so hot and innocent at the same time?

            “Atty. Lucas!” tawag nito sa kanya. Does he knew her? Naging babae ba niya ito dati? No it is impossible dahil kung ganoon man ay hinding-hindi na niya ito makakalimutan.

            “And you are?” Napansin niya ang paraan ng pagtitig nito sa kanya, the same way he did to her awhile ago. She is checking him and he actually felt proud of a sudden knowing that he can affect her that same way he was affected by her.

            “Summer, Gleian’s sister.” Napalunok siya lalo na ng ngumiti ito sa kanya, shit! Ano ba itong nangyayari sa kanya? And the heck, Gleian’s sister? That only means one thing, stay away from her dahil ayaw niya sa sakit sa ulo.

            “Okay.” Kailangan na niyang makaalis dito sa lalong madaling panahon. May dumaang waiter kaya iyon ang tinawag niya. “Get me a scissor.”

            “Yes, Sir.”

            “Saan ba ito galing?” inis niyang tanong pilit na iniignora ang effect nito sa kanya lalo pa at sobrang lapit na nito sa kanya and she looking at him intently.

Royale Series 9: Loved By You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon