Extra #1: Case closed

139K 2.2K 157
                                    

Extra #1: Case closed


            “BAKIT?” Bakit feeling niya ay may nangyayaring hindi niya alam. She is busy fixing her things ng may mga pulis na pumasok sa bahay niya. “Anong ginawa kong masama para hulihin niyo?”

            Tama, hinuhuli siya ng mga pulis.

            “Hinuhuli ka namin sa kasong sexual harassment.” Nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig niya.

            “Sino ang nagfile?”

            “Hindi po namin pwedeng sabihin. Sumama nalang po kayo ng maayos at ng wala ng gulo.”

            Nagkamali yata ang mga ito ng linapitan. “Okay fine sasama na ako.” Pinosasan siya ng mga ito at saka pinasok sa isang sasakyan. Huh? Hindi police car? Ano ba talaga ang nangyayari? Nagdrive na ang mga pulis at dinala siya sa department of justice na mas lalo niyang ikinapagtaka.


            “Bakit dito?”

            “Hahatulan na po kayo maam.”


            “Agad-agad? Teyka lang I need to call my lawyer.”

            “Hindi na ho kailangan.”


            “ANong hindi na? I need to call Rech.” She insisted. Pero hindi na siya pinakinggan ng mga ito nalilito na siya sa mga nangyayari promise. Pumasok sila sa court room at mas lalong napakunot ang noo niya ng mapansin na nandoon halos ang mga kaibigan nila at pamilya niya. Ano ba ang nangyayari?


            “Nandito na ang nasasakdal.” Sigaw ng isa sa mga nandoon.


            Owkieee… so ano na ba talaga? Tiningnan niya ang mga kaibigan pero kapag nagtatama ang kanilang mga mata ay umiiwas ang mga ito.


            “I will be your lawyer.”


            “Attorney Ladriago?” ngumiti ito sa kanya. “What the heck is this?”


            “Repeat after me.” Ipinatong nito ang palad niya sa isang book. “I state your name, magsasabi ng katotohanan at pawang katotohanan lamang.”


            Kahit naman nalilito ay inulit nalang niya ang mga sinasabi nito tapos pinaupo siya sa witness chair. Bumukas ang pinto at pumasok si Rechmond.  


            “Nandito na ang biktima.”


            What the heck? Si Rechmond ang biktima? “I will stand for myself your honor.” Hinuli niya ang mga mata nito pero ayaw nitong tumingin sa kanya. Ginaya din nito ang ginawa niya kanina.


            “Totoo ba ang paratang sa iyo Ms. Vasquez na hinarass mo si Mr. Lucas?” tanong ni Atty. Ladriaga.



            “Ho?” napakagat siya ng labi.


            “Hindi po.” She defended herself and glared at Rechmond who seems so cool with everything around him. Ano ba ang balak nito?



            “May mga witness na pwedeng magsabi sa hukumang ito ang ginawa mong paglapastangan sa biktima.”




            “What the? Lapastangan talaga?”



Royale Series 9: Loved By You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon