Chapter Nine-B

166K 2.5K 172
                                    

Chapter Nine-B

            AYAW niyang maniwala sa sinabi nito noong isang araw sa totoo lang ang hirap naman kasing maniwala lalo pa at alam niyang imposibleng gawin nito ang bagay na iyon. Sinira nito ang kanyang plano wala naman itong sinabi na magpapakasal nga sila sinasabi lang nito sa ibang tao pero hindi sa kanya, mas mabuti kasi ayaw din niya iyon.

            “Ang lalim ng iniisip mo.” Untag sa kanya ni Chrome nasa restaurant siya nito ng mga oras na iyon. Gusto lang daw nitong makipagbonding-bonding sa kanya at sa iba pa nilang mga kaibigan. Kaya nga nandito din sina Gypsy, Kissa, Kirra, mga asawa ng mga ito, si Kuya at si Chrome of course. They are occupying the table near the window at siya ang nasa tabi ng window at tinatanaw ang mga taong napapadaan.

            “Hindi naman wala nga akong iniisip eh.” Kaila niya and sip her tea ang totoo niyan ay naiinggit siya sa mga iniinom na kape ng mga kasama niya. Nanunuot ang mabangong amoy ng kape na nangangatok sa kanyang tastebuds.

            “Bawal sa iyo ang kape.” Inis na tiningnan niya ito, she really hate Chrome she can easily read her.

            “Bawal sa iyo ang kape sis.” Si Gleian na kanina pa nakikipagpatintero ng tingin kay J nalaman kasi niyang hindi na pala ito pinapansin ng kaibigan and vice versa. Nagkabukuhan na kasi, nalaman na pala nitong nagpapanggap lang si J and he fired her. Wala siya ng mangyari iyon kaya hindi niya alam ang mga nangyari.

            “Sip lang naman.” She pouted.

            “Ang sip na hindi mo matantya.” Umingos siya at nagkibit-balikat. Isa pa sa kinaiinisan niya ay naiinggit siya sa mga may partner na nandoon sa restaurant. Kaya nga mas minabuti niyang si Chrome ang maupo sa tabi niya atleast may kausap siya. She really want to taste coffee again kahit na kaunti lang para naman masatisfy niya ang kanyang cravings, bakit ba kasi sobrang higpit ng mga ito nakakaasar lang.

            “Kailan ka manganganak Kissa?” excited na tanong ni Hyjea, triplets kasi ang anak nito at puro boys excited na nga rin siya.

            “Mga six weeks from now.” Sagot ni Pierce na mas halatang excited. “Naiinggit ka ba? Bakit hindi ka na rin mag-asawa at magbuntis.”

            Tinaasan ni J ng kilay si Pierce. “May gusto ka yatang ipahiwatig?”

            “Masyado kang defensive.” Bumungisngis si Kissa. It’s really good to see her friend laughing again pero hindi niya maikakaila na naiinggit talaga siya sa mga ito. Hindi nila hininging magkaroon ng lovelife pero dumating sa kanila samantalang siya wala. Napatitig siya uli sa babaeng minsan na niyang pinagselosan, she is happy now. Muli niyang ibinalik ang pansin ang tingin sa labas ng glass wall, hindi na siya magwiwish na magkaroon ng magandang lovelife dahil mukhang hindi para sa kanya iyon.

Royale Series 9: Loved By You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon